Vic Sotto-Pauleen Luna wedding entourage revealed

Vic Sotto and Pauleen Luna have started sending out invitations to their wedding that will happen very soon. Vic's brother Tito Sotto and friend Joey de Leon are among the principal sponsors, while the rest of the Eat Bulaga! Dabarkads are part of the wedding entourage.


Nagsimula nang mamahagi ng imbitasyon sina Vic Sotto at Pauleen Luna para sa nalalapit nilang kasal.

Ang nakasaad sa imbitasyon na natanggap ng PEP: "The honour of your presence is requested at the wedding of Marvic Sotto to Marie Pauleen Luna, daughter of Fidel Eugenio Judes Luna and Cynthia Luna."

Nakiusap si Pauleen sa PEP na huwag nang banggitin ang date at venue ng seremonya dahil gagawin sa Eat Bulaga! ang official announcement nito. Pero alas-siete ng gabi magsisimula ang seremonya.

Pinayagan ang PEP na ilabas ang kumpletong talaan ng entourage.

Anim na pares lang ang mga ninong at ninang.

Kabilang dito sina Senator Tito Sotto, ka-partner si Mrs. Carmencita Garcia; ang big boss ng Eat Bulaga! na si Tony Tuviera at asawa nitong si Madeleine; at si Joey de Leon, ka-partner si Dr. Salvacion Gatchalian.

Si Ruby Rodriguez ang Matron of Honor.

Ang Best Man ni Vic ay ang anak niya kay Coney Reyes na si Vico Sotto.

Ang best friend ni Pauleen na si Franchesca Que naman ang Maid of Honor.

Kabilang sa Groomsmen ang mga kapatid ni Vic na sina Val at Maru Sotto; kasama sina Anjo Yllana, Wally Bayola, Jose Manalo, at Paolo Ballesteros.

Bridesmaids naman si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach; kasama sina Anne Margaret Luna, Leah Camille Agcaoili, at Mara Isabel Sotto.

Candle sponsor ang isa sa anak ni Vic kay Angela Luz na si Paulina Sotto, ka-partner ang kapatid ni Pauleen na si Miguel Mario Luna.

Veil sponsors ang mag-asawang Danica Sotto at Marc Pingris.

Cord sponsors si Oyo Sotto at ang misis nitong si Kristine Hermosa.

Sina Danica at Oyo ay mga anak ni Vic sa kanyang unang asawa na si Dina Bonnevie.

Ring Bearer ang anak nina Marc at Danica na si Jean Michel Pingris; Coin Bearer ang anak nina Oyo at Kristine na si Kristian Daniel Sotto; Bible Bearer ang apo ni Tito Sen na si Alessandro Jose Sotto; at Rosary Bearer naman si Marciano Dominico Antonio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Flower girl si Ryzza Mae Dizon, kasama si Ellenor Rose Lagrio at ang anak nina Marc at Danica na si Anielle Micaela Pingris at anak nina Oyo at Kristine na si Ondrea Bliss Sotto.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN