Dennis Padilla reacts to family picture of Marjorie Barretto with their children and another kid

Dennis Padilla on ex-wife Marjorie Barretto's family picture with their children and another kid: "Iba lahi ko. Kasi yung lahi ko... yung ano kasi, yung blood ko kapag inihalo mo sa mestiza, nakita mo naman yung resulta."


Nakita na raw ni Dennis Padilla ang nai-post na family picture ng kanyang ex-wife na si Marjorie Barretto kasama ang kanilang mga anak na kuha sa Amerika.

Kasama ni Marjorie sa larawan ang tatlong anak nila ni Dennis na sina Julia, Claudia, at Leon; ang stepdaughter ni Dennis na si Daniella; at isang pang batang babae na hindi anak ni Dennis.

Sabi ni Dennis tungkol sa nasabing larawan, "Oo, nakakita ako ng kopya dahil nandoon ang lahat ng anak ko. Nasa States, e.

"Actually, oo nga, parang may sobrang isa. Definitely, hindi akin 'yon.

"Basta ang anak ko doon, yung stepdaughter ko, si Daniella; si Julia; si Claudia; yung bunso ko, si Leon, nandoon."

Sabi ni Dennis tungkol sa isa pang batang kasama sa picture, "Natuwa naman ako na makita dahil kamukha ni Julia.

"Nakita ko huli 'yon, graduation pa, March 2015.

"Ganoon din si Claudia, saka si Leon."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Dennis sa presscon para kay Susan Ople, na ginanap ngayong Huwebes ng hapon, January 7, sa isang restaurant sa Quezon City.

Si Ople ang senatorial candidate na sinusuportahan ni Dennis.

Tinanong ng reporters si Dennis kung sino ang batang kasama ng kanyang mga anak sa naturang family picture.

Tugon niya, "Hindi ko alam, hindi ko alam.

"Kayo na lang magtanong, mahirap sa akin manggaling.

"Magaganda yung... iba lahi ko.

"Kasi yung lahi ko... yung ano kasi, yung blood ko kapag inihalo mo sa mestiza, nakita mo naman yung resulta."

Ano ang kanyang naramdaman nang makita niya ang family picture?

"Wala, nagulat... Noon may naririnig ako, pero siyempre, hindi ko naman alam kung totoo.

"Baka mamaya, kuwento-kuwentuhan lang.

"Tapos noong nakita ko, 'Ay, meron nga...'"

Ang tinutukoy ni Dennis ay ang usap-usapan noon pa na may anak si Marjorie sa isang pultiko pagkatapos makipaghiwalay ng dating aktres sa komedyante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN