Miss Colombia asks netizens if she should do a sit-down interview with Steve Harvey

Miss Colombia asks netizens if she should do a sit-down interview with Steve Harvey, who committed a major blunder in the Miss Universe 2015 pageant recently when he mistakenly announced Miss Colombia as the winner.


Idinaan ni Miss Colombia Ariadna Gutierrez sa social media ang pagtatanong sa netizens kung dapat ba siyang magkaroon ng sit-down interview kasama ang American TV host na si Steve Harvey.

Si Steve ang nagsilbing host sa nakaraang Miss Universe 2015, kung saan nagkamali siya sa pag-announce na si Miss Colombia ang nanalo sa halip na si Miss Philippines Pia Alonzo-Wurtzbach.

Sa kanyang Twitter account ngayong Huwebes, January 7, nag-post ng tanong si Miss Colombia kung dapat ba siyang magpa-interview kay Steve pagkatapos ng mala-teleseryeng eksena sa ginanap na Miss Universe 2015 pageant.

Naka-tag din sa nasabing tweet ni Ariadna si Steve.

Sa nasabing tweet, ginamit din ng Latina beauty queen ang hashtags na #AryNoCrownRequired at #ArySpeaksOut.

Survey ito ni Miss Colombia na magtatapos bukas.

Karamihan sa mga sumagot ay mga kababayan ni Aroadna gamit ang Spanish language at nagpapakita ng suporta sa beauty queen.

MISS U SPOOF. Samantala, maging sa katatapos lamang na People's Choice Awards 2016 ay ginawan ng parody ang pagkakamaling nagawa ni Steve Harvey bilang host ng Miss Universe 2015.

Sa eksena sa People's Choice Awards, sinabi ng host na si Jane Lynch na pipili ang People's Choice ng isang entertainer na hindi pa nananalo ng nasabing award pero naniniwala na deserving manalo.

Tinawag ni Jane ang American actor-comedian na si Thomas Lennon, subalit nang nagbibigay na ng acceptance speech si Thomas, ginaya ni Jane ang eksena sa Miss Universe.

Sinabi niyang nakagawa siya ng pagkakamali at first runner-up lamang si Thomas dahil ang tunay na nanalo ay si Miss Colombia, kung saan isang look-alike ni Ariadna ang lumabas sa entablado at kumuha ng award.

Base sa kanyang Twitter account, ikinaaliw ito ni Miss Colombia at nagpasalamat pa sa People's Choice para sa kanyang "award."

Tinawag pa niyang "awesome" ang nasabing parody.

Samantala, sa kanyang talk show kamakailan, sinabi ni Steve na nag-reach out siya kay Miss Colombia subalit wala pa siyang natatanggap na sagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN