Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach thinks Miss Colombia should finally talk to Steve Harvey

If she ever gets a chance to meet Miss Colombia once again, Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach hopes there wouldn't be awkwardness.


Sinabi ni Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach na kung siya ang nasa sitwasyon ni Miss Colombia Ariadna Gutierrez ay kakausapin niya si Steve Harvey.

Si Steve ang nag-host ng kontrobersiyal na Miss Universe 2015 pageant, kung saan si Pia ang nanalo at si Ariadna naman ang 1st runner-up.

Sa recent radio interview ni Steve, sinabi ng American host na nag-reach out siya kay Miss Colombia pero wala pa siyang natatanggap na sagot.

Kaugnay ito ng pagkakamaling nagawa ni Steve sa Miss Universe pageant noong December 20 (December 21 sa Pilipinas), kung saan inanunsiyo niyang panalo sa pageant si Miss Colombia. Subalit binawi ang kanyang sinabi pagkatapos ng ilang minuto at sinabing si Pia ang totoong nanalo.

Pahayag ni Pia sa panayam sa kanya ng US Weekly nitong January 6, "Yes, I would respond to him because I think it takes a lot for him to admit he made a mistake, especially like that, it was on live television.

"And for him to consistently reach out to her, I think it's a very admirable move from him."

Pero nilinaw ni Pia na opinyon lamang niya ito.

"Well that's me. But I would really know unless... maybe she's still in the process of understanding what's going on, and I respect that. That's okay. But I think she will [reach out] eventually."

Bukod sa palitan nila ng mensahe noong birthday ni Miss Colombia, sinabi ni Pia na hindi pa sila nakakapag-usap uli.

"I haven't seen her yet. Not exactly sure where she is right now.

"I heard that she was in Miami, but I don't know if she went back to Colombia yet."

Pero sabi ni Pia, "But if I ever visit Colombia, then I hope to see her."

Magkaroon kaya ng awkwardness sa kanila dalawa kung sakaling magharap sila?

Sagot ng bagong Miss Universe, "I hope not, I really hope not.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I know this will open a lot of opportunities for her anyway and I know she'll do very well."

ON BASHERS. Nagbigay rin ng reaksiyon si Pia pagdating sa pageant fans na nag-aaway-away pa rin sa social media.

"A lot of people were happy, especially the Filipinos.

"Some people were also a bit disappointed with the results or with how the results came to be.

"And I understand. I completely understand because they had their bets during the pageant.

"And also, if it was the other way around, I think some of the Filipinos would be upset also.

"So, I understand it.

"I hope the negative comments would slow down a little bit in the next coming days."

Tiniyak din ni Pia na maganda ang relasyon niya sa iba pang Miss Universe 2015 candidates.

Nang iputong kasi ang korona kay Pia, may ilang kandidata na pinuntahan muna si Miss Colombia na umiiyak matapos ang nangyari, sa halip na batiin siya sa kanyang pagkapanalo.

"They were consoling her and I wanted to console her as well.

"And some of the girls went to her first before coming to me, which was really understandable.

"Of course, I wanted to go to her as well and a lot of the girls messaged me after the pageant, saying their congratulations, so everybody was supportive of each other."

"I CRIED A TON." Samantala, sa exclusive interview ng Mexican TV show na Univision kay Miss Colombia kamakalawa, sinabi ng Latina beauty queen na marami siyang iniyak dahil sa nangyari.

"I went up to my parents' room and obviously, I was sad I was in bad shape.

"I was crying. I cried a ton that night."

Sabi pa ni Ariadna, "In four minutes, they destroy your dream, throw it in the bag, and throw it in the trash.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I feel like it doesn't matter to them the feelings of a girl who has worked her whole life for a dream."

Nagsagawa rin ng poll si Miss Colombia sa kanyang Twitter account at tinanong ang netizens kung dapat ba siyang pumayag sa isang sit-down interview kasama si Steve.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN