Albert Martinez names young actors who have "potential to be great"

Albert Martinez on actors who will follow in his footsteps: "Kung maayos sila, dire-diretso yun. Sundan natin ang mga yapak nina Tito Eddie [Garcia], Christopher de Leon... Ako naman kasi, sumunod lang ako sa yapak nila, e. Sinundan ko lang yung tamang yapak na lahat in moderation."


Masaya na si Albert Martinez sa pagiging artista at wala siyang planong mag-direct muli ng pelikula.

Idinirehe ni Albert ang Rosario, na pinagbidahan ni Jennylyn Mercado at entry sa 36th Metro Manila Film Festival (MMFF) noong 2010.

Paliwanag ng aktor sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanyang Back2Back presscon kamakailan, "Yung time talaga. It's 100 percent dedication talaga. 'Tsaka honestly, in my mind right now, I'm semi-retired with directing.

"I'm saying semi-retired. Unless makatalisod ako ng isang napakagandang material na hindi ko puwedeng tanggihan. Pero para ipilit ko ang sarili ko at mag-iisip pa ako, parang hindi na."

Maganda raw ang karanasan ni Albert sa una niyang directorial job.

"I'm happy with it. Time lang talaga.

"Kasi, nung ginawa ko yun, it took one year of my life. Iyon lang ang ginawa ko, ang ipinokus ko dun. And hirap--physically, mentally. Mahirap talaga. And financially, mahirap talaga.

"I'm 54 right now. Ayoko nang gawin pang kumplikado ang buhay ko," at tumawa si Albert.

Nagbiro pa siya na senior citizen na siya in six years, kaya nais na lang daw niyang enjoy-in ang buhay niya.

Back-to-back na napapanood si Albert sa dalawang ABS-CBN drama series: All Of Me at Ang Probinsiyano.

Lumipat si Albert sa ABS-CBN pagkatapos ng huli niyang GMA-7 soap, ang Habang Kapiling Ka noong 2013.

Exclusive ba si Albert sa ABS-CBN?

"Per project, kaya lang 'pag natapos, may in-offer na agad sila na kasunod, so hindi ka na makaisip na [lumipat ng istasyon].

"Hindi lang nila [ABS-CBN management] ako nakakalimutan. Palagi nila akong naaalala," at tumawa si Albert.

NEXT IN LINE. Sa young actors ngayon, sino sa tingin niya ang magiging the "next Albert Martinez"?

Tugon ng aktor, "Ang dami nila! Ngayon ang mga bata, iba! Ang training na nakukuha nila sa ABS. Forgive me, ha. Hindi kasi ako familiar sa GMA. I don't know, but I know marami ring magagaling na artista dun kaya lang hindi ako exposed sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang kilala ko lang talaga yung mga nakakasama ko. Sa ABS, marami akong nakikitang magagaling na artista at may mga malaking potensyal to be great."

Bukod sa lagi niyang nababanggit ang dati niyang kasama sa All Of Me na si JM de Guzman, sinu-sino pa ang nakikitaaan ni Albert ng acting potential?

Saad niya, "Right now kasi, from let's say sa mga bata, sina Enrique [Gil], si [Daniel] Padilla, si [James] Reid. Marami pa.

"Forgive me, hindi ko pa tanda mga names. Basta lahat sila nakikita ko, yung gigil nila sa career nila.

"And that's what's important. Nakikita ko yung sarili ko sa kanila, e. 'Pag gigil na gigil, maganda yun, kasi minamahal nila yung career nila.

"But then again, kailangan huwag pumunta sa ulo.

"'Pag pumunta, yung gigil napapalitan ng yabang! Dahil doon sila masisira. Lagi nang late sa set. Hindi na nag-aaral ng script nila."

At naglalasing?

Dugtong ni Albert, "Naglalasing. Kumbaga, nagwawala, 'di ba? So huwag lang sana pumunta sa ulo.

"Kung maayos sila, dire-diretso yun. Sundan natin ang mga yapak nina Tito Eddie [Garcia], Christopher de Leon...

"Ako naman kasi, sumunod lang ako sa yapak nila, e. Sinundan ko lang yung tamang yapak na lahat in moderation. Iyon lang naman yun."

ON BROTHER WILLIAM MARTINEZ. Samantala, hindi namin naiwasang itanong kay Albert ang tungkol sa kondisyon ng kapatid na si William Martinez, na na-stroke noong 2010.

Tugon ni Albert, "William, surprisingly recovered very well. Physically, parang, if you talk to him, nothing is really wrong with him.

"Kaya niya. Ang problema lang kasi, hindi siya puwedeng magpuyat na.

"Kumbaga, 'pag nag-taping siya, talagang 'pag 12 o' clock, 12 o' clock. So kailangan ang cut-off niya mas maaga. Kasi siyempre yung stroke is not a joke.

"So yung binombard niya ang sarili niya ng stress, baka mas magkaroon siya ng problema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But now he's well. He's doing very well.

"Talk to him. Parang ang kausap mo, ako. Kaya lang the way William used to be, na yung makulit, very formal na ngayon. 'Pag kinausap, very formal.

"Hindi na siya magulo na makulit."

Aktibo na muli si William sa showbiz. Kasama siya sa cast ng controversial MMFF entry na Honor Thy Father ni John Lloyd Cruz.

May mga pieces of advice ba si Albert sa nakababatang kapatid?

Sagot ni Albert,"Palagi naman akong nag-a-advise sa kanya.

"Sinabi ko lang sa kanya na, 'Sayang naman. You're a good actor. Kailangang makabalik ka."

"And iyon, 'Kung anuman yung lifestyle mo noong araw, palitan mo na.'

"And so far naman, so good. And he looks great!"

Isang taon ang tanda ni Albert kay William. Pero kung titingnan ang magkapatid, tila mas bata ng maraming taon si Albert kay William.

Ano ang sikreto ni Albert?

Sagot niya, "Ever since naman kasi, lifestyle lang talaga. Ang papatay sa iyo at saka magmumukha kang matanda is lifestyle.

"Kailangan lang talaga ang healthy lifestyle. Kailangan alagaan mo ang sarili mo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN