Lucy Torres-Gomez ranks third in most beautiful politicians list

Hindi maitago ni Richard Gomez ang kilig para sa asawang si Congresswoman Lucy Torres-Gomez dahil naitampok ito sa isang Indian website bilang isa sa pinaka-hot at pinakamagandang babaeng pulitiko sa mundo.


Proud na proud si Richard Gomez sa kanyang misis na si Lucy Torres-Gomez nang maitampok ito bilang isa sa walong pinaka-hot at pinakamagandang pulitikong babae sa buong mundo.

Nasa ikatlong puwesto ang mambabatas mula sa Ormoc; nangunguna ang isang pulitiko mula sa Russia na sinundan naman ng taga-Ukraine.

Base ito sa listahang inilabas ng isang Indian website na gabdig.com.

Noong November 2015 pa lumabas ang naturang artikulo ngunit nito lang Miyerkules, December 6, nag-post si Richard sa kanyang Instagram tungkol dito.

Sabi ng You're My Home actor: "My honey is a hottie!!! #wowparangdalagalangangdatingnghoneykodiba"

My honey is a hottie!!! #wowparangdalagalangangdatingnghoneykodiba

A photo posted by Richard Gomez ???? (@richardgomezinstagram) on

Ayon sa author ng article na may titulong "8 Extremely Hot And Beautiful Female Politicians In The World", si Garima Mishra, "Politics for ages has been a male dominating platform but the modern world witnessed emergence of many female politicians who came out of stereotype tradition and proved out to be a better administrator.

"Few female politicians are not only famous for their position but also for their beauty. They have won millions of heart turning politics into a hot topic."

Tungkol kay Lucy, sabi ng author: "In Philippines many people join politics from the entertainment industry as they get the funding to stage their own's political campaign. Lucy belong to the same clan, she is a former model, actress and a TV host. She is currently a congresswoman of the fourth district, Leyte."

Narito ang buong listahan ng gabdig.com ng "8 Extremely Hot And Beautiful Female Politicians In The World":

1. Alina Kabaeva (Russia)

2. Yulia Tymoshenko (Ukraine)

3. Lucy Torres-Gomez (Philippines)

4. Yuri Fujikawa (Japan)

5. Vanja Hadzovic (Serbia)

6. Maria Carfagna (Italy)

7. Julia Bonk (Germany)

8. Anna Maria Galojan (Estonia)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN