Enzo Pineda happy his non-showbiz relationship gives him more privacy

Enzo Pineda: "At least, nase-separate ko yung relationship ko and work, and also my family. So masaya po ako sa status namin ngayon."


Masaya si Enzo Pineda sa personal niyang buhay dahil isang taon at kalahati na ang relasyon nila ng non-showbiz girlfriend.

Lahad ni Enzo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Tagal na, tagal na po. 'Tsaka I like it kasi naa-appreciate ko yung pagka-private ng relationship namin.

"I like it that way kasi mas nagkakaroon ng value yung relationship namin and happy ako with everything, especially with my work.

"At least, nase-separate ko yung relationship ko and work, and also my family so masaya po ako sa status namin ngayon."

May mga bagong artista sa GMA-7; ang mga produkto ng katatapos pa lamang na StarStruck season 6.

Si Enzo ay galing sa season 5 ng naturang artista search.

ADVICE TO NEWBIES. Ano ang maipapayo niya sa newcomers tulad nina Klea Pineda at Migo Adecer, bagong Ultimate Female and Male Survivors ng StarStruck?

Sagot ni Enzo, "Nag-guest po ako sa StarStruck once. At siguro ang maa-advise ko lang... of course, nakaka-relate ako. Kasi nanggaling ako dun at nakita ko itong bagong batch.

"Masipag sila. Malaki ang potential ng grupo na ito at siguro ipagpatuloy lang nila yung pagtatrabaho nila nang maigi at maa-achieve din nila yung mga bagay na gusto nila.

"Importante rin na you learn from your mistakes and huwag kang maggi-give-up sa pangarap mo.

"Ano lang, kung you have bad days, the next day at least may pag-asa ka pang bumawi at to do better work in your craft."

Sina Steven Silva at Sarah Lahbati, na ironically ay parehong wala na sa GMA, ang Ultimate Male and Female Survivors ng batch nina Enzo na StarStruck V.

Si Sarah ay nasa ABS-CBN at si Steven ay Kapatid actor na.

Ani Enzo, "Sarah and Steven are my friends until now and siguro, ang tagal na po, e. Six years na kami dito sa GMA magkakaibigan and hindi ko po maiiwasan na meron silang ibang career path na gustong i-take.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So I think, ako nalulungkot ako kasi kaibigan ko sila so as much as possible, gusto ko same network pa rin kasi nami-miss ko sila.

"Dati, lagi ko silang nakikita pero ganun talaga. It's their decision na to take a different path, so I respect that and nagkikita pa naman kami once in a while, sa mga events."

Napag-uusapan ba nila na nasa magkakaibang TV networks na sila?

Sagot ni Enzo, "Wala. Tinanong ko lang si Steven how he's doing. Everything's fine.

"He's into theater kasi nagkaroon siya ng niche sa theater. Sunud-sunod yung mga plays niya."

Never daw tinanong ni Enzo si Steven kung bakit siya umalis sa GMA.

Lahad ni Enzo, "Wala pong pagtatanong. At the same time, I can see Steven doing well.

"So para sa akin wala naman po akong hawak sa career niya. Kung saan siya masaya, kung ano ang gustong gawin niya, happy ako dun and hindi mawawala yung friendship namin."

LOYAL TO GMA. Wala bang plano si Enzo na lumipat sa ibang TV network?

Tugon niya, "Ah, wala po! Dito ako nag-start, so happy po ako dito sa GMA, kasi if it wasn't for GMA, I wouldn't be here right now.

"So sobrang thankful ako sa pag-aalaga sa akin ng GMA and I'm really happy. Consistent yung work and napamahal na sa akin lahat ng tao dito, from the bosses to the staff.

"So, ang sarap 'pag nagtatrabaho ka na kilala at kaibigan mo lahat ng tao."

Si Enzo ang gumaganap sa papel na Sonny Lacson sa GMA serye na Because Of You, na pinagbibidahan nina Gabby Concepcion, Carla Abellana, at Rafael Rosell.

Ginagawa rin ni Enzo ang mga pelikulang Hermano Puli kasama si Aljur Abrenica, at Bar Boys with Rocco Nacino, Joseph Marco, at Carlo Aquino.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN