Pastillas Girl admits she and Mr. Pastillas stopped dating

Angel Yap (a.k.a. Pastillas Girl) on real score with Richard Parajinog: "Before mamatay si Mommy din, sinubukan naman namin... Hindi ko alam kung anong mangyayari sa future pero gusto ko muna mag-focus sa family 'tsaka sa work sana."


Inamin ni Angel Yap (a.k.a. Pastillas Girl) na nagdesisyon sila ni Richard Parajinog (a.k.a. Mr. Pastillas) na mas mabuting magkaibigan na lang sila.

Matatandaang naging "exclusively dating" ang dalawa matapos piliin ni Angel si Richard sa reality segment ng It's Showtime na "Nasaan Ka, Mr. Pastillas" noong October 2015.

Read: Pastillas Girl admits she is exclusively dating Mr. Pastillas

Paliwanag ni Angelica, "Yung sa amin ni Richard, siyempre since reality siya, trinay [try] naman.

"Parang single naman ako, single siya that time.

"Before mamatay si Mommy din, sinubukan naman namin.

"Kaya lang, hanggang ngayon friends pa rin kami.

"Hindi ko alam kung anong mangyayari sa future, pero gusto ko muna mag-focus sa family 'tsaka sa work sana."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angel sa headquarters ng Viva Entertainment sa Tektite Tower sa Pasig City ngayong Huwebes, January 7.

SINGLE FOR NOW. Dito ay pormal na inanunsiyo na kabilang na si Angel sa roster of talents ng Viva Artists Agency, kung saan mayroon siyang five-year contract.

Ayon pa kay Angel, ayaw muna niyang pumasok ng relasyon ngayong sasabak na siya sa showbiz.

Sabi niya tungkol kay Richard, "May mutual understanding kami kung anong meron kami sa ngayon.

"Kasi mahirap naman din magdyowa sa ngayon.

"Mahirap mag-boyfriend kasi nag-start ka pa lang sa career.

"Tapos after everything na nangyari, ang hirap ibigay yung atensyon, yung sarili mo sa ibang tao."

RICHARD'S ALLEGED MARRIED STATUS. Sa kabilang banda, hiningan ng PEP ng reaksiyon si Angel hinggil sa balitang may asawa na diumano si Richard bago pa ito sumali sa reality dating segment ng It's Showtime.

Kaugnay ito ng kumalat na "wedding picture" ni Richard kasama ang isang hindi nakikilalang babae via Instagram.

Mismong si Richard pa ang naglagay ng caption na nagsasabing "Our wedding pic [heart emoji]."

Dahil dito, diretsahan umanong kinumpronta ni Angel si Richard nang lumabas ang naturang isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paglilinaw ni Angel, "A, oo. May lumabas na picture na parang kasal na siya and parang may anak na siya.

"So, nung tinanong ko siya, 'May asawa ka raw?' Sabi niya, 'Uy, hindi yun, totoo, 'day, uy!' May punto siya kasi Bisaya."

Napagalaman din umano ni Angel sa mismong babae na kasama ni Richard sa larawan na hindi totoong kasal na sila ng binata.

Paglilinaw pa ng 21-year-old aspiring actress, "Na-meet ko rin yung babae sa picture. Sabi niya, school work daw yun sa HRM [Hotel and Restaurant Management] events.

"E, kung kasal man siya or kung may anak man siya, I don't think naman na kailangan niya itago sa akin kasi magkaibigan kami, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN