Jen Rosendahl gives birth to a healthy baby boy

Former Viva Hot Babe member Jen Rosendahl is now a mother after giving birth to her first child with husband Jules Changco. The couple named their son, Tyler.


Natupad na rin ang longtime dream ng dating Viva Hot Babe na si Jen Rosendahl na maging isang ina.

Isinilang ni Jen ang kanyang baby boy, na pinangalanan niyang Tyler, noong January 5, Martes, sa Cardinal Santos Medical Center .

Si Tyler ang first child ni Jen sa kanyang non-showbiz husband na si Jules Changco.

Sa Instagram account ni Jen ay ipinost niya agad ang photo nila ng kanyang baby boy.

Caption dito ng Pepito Manaloto star: "Thank you for all the prayers... gave birth jan05 9.30am baby tyler is healthy and I am also okay... gonna rest muna."

Thank you for all the prayers ?? gave birth jan05 9.30am ?? baby tyler is healthy and I am also okay ?? gonna rest muna ??

A photo posted by Just Sharing ????????? (@jenrosendahl) on

Well-documented ang panganganak ni Jen??mula sa pag-admit sa kanya sa ospital hanggang sa pagle-labor at panganganak niya ay naka-post lahat sa Instagram.

Ang latest post ni Jen ay noong January 7:

"Mommy & Baby Tyler terno in blue today I am so in love with you my lil angel..."

Mommy & Baby Tyler terno in blue today ????? I am so in love with you my lil angel...??

A photo posted by Just Sharing ????????? (@jenrosendahl) on

Nag-post din si Jen ng photo nila ni Tyler kasama ang kanyang mister na si Jules.

Happiness ?????? #family #baby #babytyler

A photo posted by Just Sharing ????????? (@jenrosendahl) on

JEN'S LATE DAD. Pero sa kabila ng kaligayahang nararamdaman ni Jen sa kanyang pagiging isang ina, may lungkot pa rin siyang nararamdaman dahil hindi na naabutan ng kanyang ama ang apo nito sa kanya.

Two years ago ay sumakabilang-buhay ang ama ni Jen na si Mr. Volker Rosendahl.

Noon pa raw gusto ng ama ni Jen na magkaroon ng apo sa kanya.

Noong January 3 ay nag-post nga ang aktres ng isang madamdaming mensahe para sa yumaong ama.

"Once again my eyes are filled with tears and my heart is filled with so much sadness celebrating mass for daddy's 2nd death anniversary...

"We love and miss you so so much #myguardianangel thank you father for being with us for 2 years during daddy's death anniv"

TAKING A REST. Regular na napapanood si Jen sa GMA comedy series na Pepito Manaloto bilang ang pilosopong kasambahay na si Berta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit buntis siya noon, patuloy pa rin siyang nagtrabaho hanggang sa dumating ang araw ng panganganak niya.

Ngayong nakapanganak na siya, magpapahinga muna raw si Jen sa Pepito Manaloto dahil gusto muna niyang ma-enjoy ang pagiging isang first-time mom.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN