Celebrities pay tribute to Master Showman German "Kuya Germs" Moreno

Malungkot man daw ang pamilya ni Kuya Germs dahil sa pagyao nito, napapawi raw ito dahil alam nilang mananatili ang kanyang legacy sa isip at puso ng mga Pilipino.


Bumuhos sa social media ang mga mensahe ng pakikiramay, papuri, at pagdakila sa yumaong si German "Kuya Germs" Moreno ilang minuto matapos itong malagutan ng hininga sa Saint Luke's Medical Center sa Quezon City madaling araw ngayong Biyernes, January 8.

Si Kuya Germs ang isa sa tinitingalang haligi ng industriya ng showbi dahil sa kanyang walang sawang pagsuporta at pagdiskubre ng mga taong gustong mag-artista.

Isang pulidong patunay nito ang namamayagpag niyang programa noong 1986 hanggang 1996 na That's Entertainment kung saan karamihan sa mga artistang nadiskubre nito ay patuloy pa ring aktibo sa showbiz ngayon.

Siya rin ang nagtaguyod sa isa sa pinakamatagumpay na Sunday musical-variety show noon na GMA Supershow.

Hanggang sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang programang Walang Tulugan with the Master Showman, kung saan patuloy pa rin ang pagtuklas ni Kuya Germs ng mga bagong talent.

Naging trending topic din sa Twitter ang hashtag na #KuyaGerms ngayong araw.

Narito ang ilan sa mga celebrity na naghayag ng kanilang pagmamahal sa tinaguriang Master Showman:

You did what you definitely do BEST! #MASTERSHOWMAN � It was a good show, Pa! A great show actually!!! Maraming salamat sa pagmamahal mo sa aming buong pamilya esp Ate Sheila � We will miss you Pa. But we are happy that finally you are agreeing to rest � YOU WILL ALWAYS BE IN OUR HEARTS �� Enjoy heaven and heavens unli-tapa-valencia Pa � at pwedeng pwede ka na sumigaw ng #WAAALAAAANG #TULUUUUGAAAN dyan kasi alam namin na this time wala na talagang tulugan ang pag bantay at alaga mo sa amin esp my pamangkins �� Na witness ko mula bata ako hanggang sa tumanda ako na ang dami dami mong napapasaya. Pasko man o hindi. You had such a big heart. You were a blessing not only to us but to everyone �� Maraming Salamat po sa lahat. I know you're happy now in heaven � We love you, Pa �� #GERMANMORENO #MASTERSHOWMAN #WALANGTULUGAN ���

A photo posted by Shaina Magdayao (@shaina_magdayao) on

Walang tatapat walang hihigit. Totoong walang tulugan kuya germs dahil lahat ng pangarap ng iyong mga...

Posted by Arnell Arevalo Ignacio on? Thursday, January 7, 2016

Kuya Germs, thank you for your kindness. It is a great honor to be once under your wings, you will forever live in our...

Posted by Cris Villanueva on? Thursday, January 7, 2016

Rest In Peace, Kuya Germs...�

Posted by Ryza Cenon on? Thursday, January 7, 2016

LEGACY. Ayon naman sa panayam sa pamangkin ni Kuya Germs na si John Nite, malungkot man sila, alam nilang hindi makakalimutan ng sambayanang Pilipino ang legacy ng Master Showman.

Saad pa ni John, "Ang pumapawi lamang sa aming kalungkutan ay ang katotohanang mananatili ang kanyang legacy."

Bukod sa mga artista at mga kilalang personalidad, naghayag din ng kanilang kalungkutan at pakikiramay ang maraming netizens.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Ang pumapawi lang sa aming kalungkutan ay ang katotohanang mananatili ang kanyang legacy," - See more at: http://www.gmanetwork.com/news/story/550434/showbiz/chikaminute/john-nite-sa-pagpanaw-ni-kuya-germs-german-moreno-mananatili-ang-kanyang-legacy#sthash.VltNHZl5.dpuf
"Ang pumapawi lang sa aming kalungkutan ay ang katotohanang mananatili ang kanyang legacy," - See more at: http://www.gmanetwork.com/news/story/550434/showbiz/chikaminute/john-nite-sa-pagpanaw-ni-kuya-germs-german-moreno-mananatili-ang-kanyang-legacy#sthash.VltNHZl5.dpuf


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN