Gelli de Belen denies crack in her 18-year marriage to Ariel Rivera

Gelli de Belen bats for the strength of her marriage, saying it's her husband Ariel Rivera who keeps their family stable: "At this point in time, parang, pag sinabi ni Ariel na, 'My family is my priority', it's true. Pina-prioritize niya talaga kami. Marami siyang mga hindi ginawa, at tinanggihan, because of us, because of his family. So talagang it's because of him, more than anything."


Sa showbiz, kung may mga relasyon na hindi nagtatagal, meron din namang lalong tumitibay sa paglipas ng panahon.

Isa na rito ang pagsasama ng mag-asawang Gelli de Belen at Ariel Rivera.

Ano ang sikreto ng 18 years nilang pagsasama?

Sagot ni Gelli, "Siya [Ariel], siya ang sikreto! Siya ang susi.

"Kasi natural na sa babae na pamilya ay importante, na pamilya ang number one. Natural sa aming mga babae yun.

"Pero para ang lalaki maging ganun ka-committed sa pamilya, bihira yun sa atin dito sa Pilipinas.

"At this point in time, parang 'pag sinabi ni Ariel na 'My family is my priority,' it's true.

"Pina-prioritize niya talaga kami, marami siyang mga hindi ginawa, at tinanggihan because of us, because of his family.

"So talagang it's because of him, more than anything.

"Kasi normal sa aming mga girls na mag-tumbling, 'di ba? Normal yun, e!

"E, siya ganun din siya."

Nagkakaroon ba sila ng arguments?

"We would probably disagree, pero walang argument," tugon ni Gelli.

At ang source mostly ng disagreements nila, ayon pa sa kanya, "Difference of opinion."

Hindi raw totoo ang balitang namimiligro na ang kanilang pagsasama ni Ariel.

Lahad ni Gelli, "Ewan ko ba kung saan nanggaling yun! Sabi ko nga, 'Talaga lang.'

"Even Ariel called me, 'You know what? My golf friend was asking me if I'm okay... he said magkahiwalay na raw tayo!'

"Sabi ko, 'Saan nanggaling yun?'"

Although wala namang selosan na nagaganap sa pagitan nilang mag-asawa, umamin si Gelli, "Selosa ako, by the way, pero hindi ako nang-aaway."

Paano hina-handle ng mag-asawa ang pagkaselosa ni Gelli?

Diin ng aktres, "Hindi ko naman siya inaaway, e. Just because nagseselos ako, hindi ko naman sinasabing, 'Hoy!'

"Hindi naman ako ganun, e."

Kailan siya huling nagselos?

"Hindi ko na maalala. Matagal na," sambit ni Gelli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dinagdag niya na hindi rin siya nagger.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gelli sa presscon ng Anak OFW Film Festival sa Amici Restaurant sa SM Megamall kamakailan.

Isa si Gelli sa mga artista ng Si Tita Ang Nanay Ko, isa sa entries ng naturang filmfest kung saan kasama rin sina Nicole Dulalia at Andrea del Rosario. Ito'y sa direksyon ni Jenny Pearl Ninalga.

Pinakaunang indie movie ito ni Gelli sa buong showbiz career niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN