Gelli de Belen won't stand in the way if sister Janice falls for a younger man

Gelli de Belen (right) relates she laughed off the rumored romance between her sister Janice and Gerald Anderson. Not that she found it impossible, it just wasn't true, she says. But if Janice will find romance with a younger guy, Gelli will not stand in the way, "As long as my sister is happy, as long as mahal niya talaga yung kapatid ko 'tsaka yung mga anak ng kapatid ko, hindi naman problema yun."


Never daw naramdaman ni Gelli de Belen na nainggit sa kanyang masayang marriage ang ate niya na si Janice de Belen.

"Kasi wala sa amin yung ganun ni Janice, e. Parang to each his own kami; my happiness might not be her happiness.

"Yung whatever will make her complete and happy may not be the same stuff that will make me complete and happy.

"It so happens na talagang magkaiba kami ng gusto sa buhay."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gelli sa presscon ng Anak OFW Film Festival sa Amici Restaurant sa SM Megamall kamakailan.

Kasama si Gelli sa cast ng Si Tita Ang Nanay Ko, isa sa entries ng naturang filmfest kung saan kasama rin sila Nicole Dulalia at Andrea del Rosario, sa direksyon ni Jenny Pearl Ninalga.

JANICE AND GERALD. Natawa raw si Gelli noong una niyang marinig na nali-link si Janice kay Gerald Anderson.

"Nung una, natatawa ako 'tapos nung parang nagiging malicious na... 'Uy, grabe naman kayo, respetuhin niyo naman ang kapatid ko!'

"Dyusko, 'noh!"

Paano kung magkaroon si Janice ng relasyon sa lalaking mas bata sa kanya?

Tugon ni Gelli, "E, nasa sa kanya yun!"

Papayag naman daw siya kung sakali, "Oo naman! Ang sa akin, basta hindi lang siya ang financially magsusuporta sa kanya [sa lalaki].

"And para sa akin, as long as my sister is happy, as long as mahal niya talaga yung kapatid ko 'tsaka yung mga anak ng kapatid ko, hindi naman problema yun."

Tinanggi ni Gelli na nagkaroon ng relasyon sina Janice at Gerald, "Hindi talaga, walang bahid ng katotohanan at all."

Biniro namin si Gelli na baka inilihim lang iyon ni Janice.

Tugon ni Gelli, "Ang hirap ilihim ng ganun, at saka ililihim mo ba yun, kung ang boyfriend mo si Gerald? Hindi mo ililihim yun!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Janice ba mismo ang nagsabi sa kanya na hindi totoo iyon?

Sagot ni Gelli, "Hindi na niya kailangang sabihin, alam ko.

"Pinag-uusapan nga namin... may mga strangers would come up and ask me that. Parang, 'Hello, no!'"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN