Prince Villanueva shocked by passing of mentor German Moreno

Walang Tulugan mainstay Prince Villanueva on the death of his mentor German Moreno: "Alam ko na palaban si Kuya Germs. Medyo hindi ko naisip na... nabigla ako kagabi. Hindi ko akalain na ganoon. Na-shocked talaga ako. Malaking kakulangan po talaga sa akin si Tatay."


Iyak nang iyak ang 17-year-old actor na si Prince Villanueva sa presscon ng bagong teleserye ng GMA Network na Wish I May kanina, January 8, dahil nahihirapan siyang tanggaping wala na ang kanyang mentor, ang veteran television host na si German Moreno.

Sumakabilang-buhay si Kuya Germs kaninang madaling-araw, dahil sa cardiac arrest, sa St. Luke's Medical Center, Quezon City.

Fifteen years old noon ang Daniel Padilla-lookalike na si Prince nang tanggapin siya ni Kuya Germs para maging mainstay ng Walang Tulugan With The Master Showman, ang late Saturday night show ng Kapuso network.

Kahit sa one-on-one interview sa kanya ng PEP, hindi napigilan ni Prince na maging emosyunal habang nagkukuwento dahil kaharap siya nang ideklara ng mga doktor na pumanaw na si Kuya Germs.

Naluluhang kuwento ni Prince, "Nalaman ko po kagabi ang nangyari kay Kuya Germs pagkatapos ng dance rehearsal ko for Walang Tulugan. Dapat po may taping ngayon.

"Natapos po ang rehearsal namin ng 12 midnight, wala po si Kuya Germs dahil nasa hospital na siya.

"Then, may isang staff member ng show na isinama po ako sa ospital.

"So, nagpaalam na po ako kay Tatay.

"Unconscious na siya, bale mga machine na lang ang nag-aano sa kanya.

"Unresponsive na siya pero buhay pa siya ng 1 A.M. Lumalaban pa si Tatay, lumalaban pa siya.

"Dinala po siya sa ospital, umaga pa lang ng Thursday, sabi po ng driver niya.

"Morning pa lang, nasa hospital na siya kaya wala akong kamalay-malay.

"Alam ko na palaban si Kuya Germs. Medyo hindi ko naisip na... nabigla ako kagabi.

"Hindi ko akalain na ganoon. Na-shocked talaga ako.

"Malaking kakulangan po talaga sa akin si Tatay.

"Ibinulong ko kay Kuya Germs na, 'Tay, maraming salamat po sa lahat ng naitulong niyo sa akin. Mas gagalingan ko pa po.

"'Iniaalay ko ang show na Wish I May para po sa inyo. Gagawin ko po kayo na inspirasyon para mas lalong gumaling ako sa pag-arte.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ni Prince, "Hindi po ako nawalan ng hope dahil wala na si Tatay.

"Nandiyan naman po ang GMA Artist Center para gabayan ako.

"Sabi nga ni Kuya Germs, the show must go on kahit na anong mangyari. The show must go on."

Kinansela ngayong hapon ang taping ng Walang Tulugan dahil nagdesisyon ang GMA-7 management na magkaroon bukas ng live broadcast ang programa para sa tribute kay Kuya Germs.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN