Judy Ann Santos gives birth to third child with hubby Ryan Agoncillo

Ryan Agoncillo leaves Eat Bulaga! and announced to the viewers: "Lalabas na si Luna! Hintayin mo si daddy!"


Proud na proud na inanunsiyo ng celebrity dad na si Ryan Agoncillo ang pagsilang ng ikatlo nilang anak ng kanyang asawa na si Judy Ann Santos sa Eat Bulaga! kaninang tanghali, January 8.

Sa video na nai-post sa Facebook fanpage ng Eat Bulaga!, ipinakitang kinakabahan si Ryan sa backstage bago siya muling humarap sa camera.

"Nagpapakalma ako kaya nagtsa-tsaa ako," nakangiting sabi ni Ryan sa kumukuha ng video habang hawak ang isang mug.

Nang tanungin kung kinakabahan siya, sagot ng EB Dabarkads, "Of course! Kaya hindi ako masakay muna sa motor, e."

Kasunod nito ay tumakbo na patungo sa mga kasamahang host si Ryan upang ibigay ang isang espesyal na anunsiyo: "Okay, guys, kayo muna ang magbantay sa tindahan dahil ito na! Ito na! Bye, guys, I'll see you!"

Pagkatapos nito ay kumaripas muli ng takbo palabas ng studio si Ryan at nagsisigaw ng: "Lalabas na si Luna! Hintayin mo si daddy!"

Exit na si Tatay Ryan sa stuido, lalabas na si LUNA!

Posted by Eat Bulaga on Thursday, January 7, 2016



Ilang oras ang makalipas, nag-post si Ryan sa Instagram ng salitang "Success" para ipaalam ang safe na panganganak ng asawa niyang si Judy Ann sa ikatlo nilang anak, na pinangalanan nilang Juana Luisa Santos Agoncillo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN