James Franco responds to Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach's crush on him

In a recent interview, Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach reveals that James Franco is her Hollywood crush. Now, James Franco gives his response via Instagram


Nag-react ang Hollywood actor na si James Franco sa pag-amin kamakailan ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na crush niya ang aktor.

Sa interview ni Pia sa US entertainment show na Entertainment Tonight noong January 4 (January 5 sa Pilipinas), inamin ng Pinay beauty queen na nangunguna sa listahan ng kanyang showbiz crushes si James.

Sa kanyang Instagram, ipinost ni James ang photo collage ng kanyang larawan at ang larawan ni Pia.

Ang simpleng caption ni James: "I (heart) the Philippines!!! (Heart) 2 Miss Universe."

Makalipas ilang ang oras ay umabot na sa libu-libong likes ang nasabing Instagram post at patuloy ang pagdami nito.

Sa comment section naman, marami ang kinilig sa ginawang gesture ni James.

Bukod kay James, crush din daw Pia sina Channing Tatum at Seth Rogen.

Samantala, sumagot naman si Pia kay James sa pamamagitan ng Twitter.

Tweet ni Pia, "I love you more" na naka-all caps pa.

I ?? the Philippines!!! ?? 2 @missuniverse!!!

A photo posted by James Franco (@jamesfrancotv) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN