Alex Medina elusive about alleged viral nude photo

Character actor Alex Medina tried to evade questions about his alleged nude photo which circulated on the Internet late last year.


Naging mailap si Alex Medina nang subukan siyang paaminin ni DJ Mo Twister sa podcast show nito tungkol sa naging viral nude photo ng character aktor na kumalat noong nakaraang taon.

"I don't know," ngiti lang ni Alex nang tanungin siya ni DJ Mo kung siya ba ang nasa photo, sa episode ng Good Times With Mo nitong Miyerkules, January 6.

Nang tanungin muli ni Mo si Alex kung nude photo niya iyon, paiwas na tugon ng character actor, "I'm not sure."

Nag-comment si DJ Mo tungkol sa size ng private part ni Alex base sa photo pero tanging sagot ni Alex, "I'm not sure. I like you, Mo, but I'm not sure."

Kinonsulta ni DJ Mo ang isang caller na nagngangalang Yuri at tinanong kung nakita na ba nito ang nude photo umano ni Alex.

Sinabi ng caller na nakita na niya ito at sinabing sa palagay niya ay edited ang photo.

Pero punto ni DJ Mo at isa pang kasamang disc jockey sa booth na si DJ Suzy, kung edited ang photo ay dapat itinanggi na ito ni Alex.

Inusisa rin si Alex kung kanino ba niya ipinapadala ang photo, pero paiwas na sagot ni Alex, "I'm not sure."

Pero sa isang punto ng interview, may pagtukoy si Alex sa kumalat na photo.

"I think I had a smiley face beside it," aniya, patungkol sa smiley na nakalagay sa kumalat na photo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN