Jake Ejercito is the "mystery friend" of Yaya Dub

Jake Ejercito is the "mystery friend" of Yaya Dub, but assures that he and Yaya Dub are just friends.


Sa wakas, ibinunyag na kung sino ang kaibigan ni Yaya Dub na nagngangalang "Jake" sa episode ng Eat Bulaga!ngayong Sabado, January 9.

Naging malaking palaisipan para sa fans ng Kalyeserye at maging ng AlDub Nation ang "Jake" na kaibigan ni Yaya Dub (Maine Mendoza) na nakakausap ng dalaga sa telepono at minsan ding pinagselosan ni Alden Richards.

Sa kabila kasi ng paniniyak ni Yaya Dub na kaibigan lamang niya si Jake, hindi pa rin naiwasan ni Alden na magselos at nangamba rin ang AlDub Nation na baka maging karibal ni Alden si Jake kay Maine.

Sa pagsisimula ng Kalyeserye ay dumating si "Jake."

Nabunutan ng tinik ang lahat dahil si Jake pala ay ang bading na kaklase ni Yaya Dub.

Pero ipinaliwanag ni Yaya Dub na dalawang Jake ang kaklase niya: si Jake na kaklase niya sa Entrepreneurship at si Jake na kaklase naman daw niya sa Marketing.

Pagkalipas ng ilang sandali ay dumating naman ang pangalawang Jake, isang guwapo at mestizong binata.

Ito ay walang iba kundi si Jake Ejercito, ang anak ni Manila Mayor at dating Pangulong Joseph Estrada sa aktres na si Laarni Enriquez.

Till next time, klasmeyt! ?????

A photo posted by Jake Ejercito (@unoemilio) on

Sa takbo ng kuwento, dumalaw si Jake upang i-turnover kay Divina Ursula ang kanilang business model dahil aalis na si Jake sa Lunes pupuntang Singapore para sa kanyang Master's Degree.

Tiniyak din ni Jake na magkaibigan lamang sila ni Yaya Dub, kung kaya't walang dapat ipagselos si Alden na pabalik na ng Pilipinas mula sa ilang araw na pananatili nito sa Middle East

Inamin din ni Jake na mayroon siyang girlfriend na naka-base sa London.

Tuwang-tuwa naman ang mga lola ni Yaya Dub na sina Nidora, Tinidora, at Tidora kay Jake. Bukod daw kasi sa guwapo ito na tila nahulog mula sa langit ay disente at maginoo rin daw ito.

Hindi naman nakaligtas si Jake sa mga pagsubok na ipinagawa sa kanya ng mga lola, katulad ng pagda-Dubsmash, pagsasayaw, at pagkain ng isaw at banana cue. Ipinasawsaw pa nga ni Lola Nidora kay Jake ang kinakain nitong isaw sa kape.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago magtapos ang istorya ng Kalyeserye kanina, nakatanggap ng tawag si Yaya Dub tungkol kay Alden at isinigaw ang pangalan ng binata bago ito naudlot.

Ilang linggo bago ang guest appearance ni Jake sa Kalyeserye ay kumalat sa social media ang kanyang Instagram post, kung saan katabi niya ang standee ni Alden para sa iniendorso nitong fastfood chain.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN