Jake Vargas recalls final moments with showbiz father Kuya Germs

Jake Vargas expresses his sentiments about the unexpected death of his manager and mentor, German "Kuya Germs" Moreno: "Pero kanina, hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko. Mabigat, at iyak ako nang iyak. Hindi ko alam, parang napakadali na nawala si 'Tatay.'"


Halata sa mukha ni Jake Vargas ang sobrang lungkot dahil sa hindi inaasahang pagpanaw ng kanyang ama-amahan sa showbiz, si German "Kuya Germs" Moreno.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jake sa unang gabi ng lamay para kay Kuya Germs kagabi, Biyernes, January 8.

Ang tinaguriang "Master Showman" at kilala rin bilang isa sa mga influential showbiz personalities ay binawian ng buhay noong madaling araw ng Biyernes, January 8, dahil sa atake sa puso, sa edad na 82.

Bungad ng Kapuso aktor nang kumustahin ito ng PEP, "Medyo okey-okey na.

''Tanggap ko na rin sa sarili ko na ganun ang nangyari.

"Pero kanina, hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko. Mabigat, at iyak ako nang iyak.

"Hindi ko alam, parang napakadali na nawala si 'Tatay.'"

LAST MOMENTS WITH KUYA GERMS. Nasa ospital daw siya nang tuluyang malagutan ng hininga ang kanyang manager for seven years, at itinuturing na pangalawang ama.

Pagbabalik-tanaw niya, "Actually, tinext ako, hindi ko alam na nasa ospital ang tatay.

"Nagti-taping ako ng Buena Familia, 'tapos tinext nga ako ng pamangkin ko.

"Pumunta ako agad sa St. Luke's, at nandun naman po sina Tito John Nite, at mga kamag-anak po ni Kuya Germs.

"Sabi nga nila, bulungan ko raw.

"Binulong ko sa kanya, 'Tay, alam kong kaya mo 'yan, ang lahat ng mga nararamdaman mo.

"Basta, dito lang ako lagi para sa 'yo.'"

Noong nakaraang linggo raw ang huling pagkikita nila ni Kuya Germs na buhay pa ito, pero noong umaga bago ito isinugod sa ospital ay nakapag-text pa raw siya rito.

Sabi ni Jake, "Last week, nagkita pa kami.

"At wala naman akong nararamdamang kakaiba kay Tatay.

"Okey naman siya. Masaya siya, nakatawa siya lagi.

"May times talaga na hindi mo inaasahan na may mangyayaring ganito."

Patuloy pa niya, "Yung huling usap namin, sa cellphone, at sabi ko, 'Tay, alis na po ako, punta na po akong taping.

"Magti-taping na po muna ako, thank you po.'"

NOT WORRIED ABOUT OUTCOME OF SHOWBIZ CAREER. Ngayong pumanaw na nga si Kuya Germs, ano sa palagay niya ang mangyayari sa kanyang movie at TV career?

Pahayag ng 23-year-old actor, "Basta, sa ngayon ang nasa isip ko, nawalan tayo ng tatay nating lahat.

"Parang ang hirap tanggapin.

"Pero patuloy ko pa ring ipapakita sa tatay ang best ko, sinabi ko 'yan sa kanya.

"Lagi niya akong sinasabihan na, 'Mag-ipon ka, kung anuman ang nakukuha mo ngayon, mag-ipon ka.

"'Para pagdating ng araw na mag-aasawa ka na, at least yung future mo, maganda.'

"Many times na sinasabi niya 'yan sa akin, at ako naman, promise ko talaga sa tatay na kaya kong gawin yun.

"Sixteen kasi ako noon nang mag-start ako sa kanya, at 23 na ako ngayon, kaya kahit paano, ganun na rin ang pagmamahal ko kay Tatay.

"Sa career ko, nandiyan naman po ang GMA. So ipinagkakatiwala ko naman po sa kanya ito.

"Hindi naman po nila ako pababayaan.

"Sa ngayon po, nagti-taping ako ng Buena Familia, Pepito Manoloto, at yung sa Walang Tulugan. Hindi pa po namin alam kung ano ang mangyayari."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN