Jake Vargas vows to keep promise to Kuya Germs

"Sinabi ko na lang sa sarili ko na papatunayan ko, ipapakita ko kay 'Tatay' na kaya kong gampanan ang mga sinabi niya sa akin," says Jake Vargas on life lessons he learned from his "tatay" in showbiz, the late German "Kuya Germs" Moreno.


Malungkot na ibinahagi ni Jake Vargas ang mga huling sandali na nakausap niya ang kanyang tatay-tatayan sa showbiz na si Kuya Germs.

Sandaling nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang binatang aktor sa unang gabi ng lamay para sa yumaong si German Moreno.

At dito, sinabi niya na nang nagkita sila ni Kuya Germs noong Lunes, January 4, pinaalalahanan pa niya ito na laging alagaan ang kalusugan.

"Basta wala siyang anything na sinabi sa akin, e. Ang huling kita ko sa kanya noong nagpunta ako sa kanya, tinanong ko, 'Okey lang ba ikaw? Sana huwag mong pababayaan ang sarili mo, lagi kang kumain,'" kuwento ni Jake.

Noon naman daw Miyerkules, January 6, tinawagan siya ni Kuya Germs para mangumusta.

"Tumawag lang siya sa akin, parang may show nga yata ako.

"'Tapos 'ayun, 'di ko naman naramdaman na parang magpapaalam na," pag-alala ni Jake.

Hindi raw niya akalain na kinabukasan ay papanaw na ang kanyang Tatay Germs dahil sa cardiac arrest.

Huwebes, January 7, isinugod sa ospital si Kuya Germs. Madaling araw naman ng Biyernes, January 8 nang bawian ito ng buhay dahil sa cardiac arrest.

"Sobrang sakit pero si God lang ang nakakaalam kung bakit nangyari 'to," malungkot na sabi ni Jake.

Matatandaan na nagsimula ang showbiz career ni Jake sa pamamagitan ni Kuya Germs. Ang beteranong TV host ang nagbigay ng pagkakataon kay Jake na maging bahagi ng long-running weekly variety show na Walang Tulugan with the Master Showman.

CONTINUE TO BE BETTER. Dahil sa nangyari, ipinangako ni Jake na susundin niya ang madalas na paalala sa kanya ni Kuya Germs.

Paglalahad ng Kapuso actor, "Sinabi ko na lang sa sarili ko na papatunayan ko, ipapakita ko kay 'Tatay' [Kuya Germs] na kaya kong gampanan ang mga sinabi niya sa akin.

"Kaya kong gawin na alagaan ko ang sarili ko, maging propesyunal ako sa lahat ng bagay, magtratrabaho ako nang mabuti."

Higit sa lahat, sabi ni Jake, "Mag-ipon in the future."

Samantala, natutuwa naman ang binata na marami ang nagpadama ng pakikiramay sa unang lamay para sa yumaong si Kuya Germs.

"Nagpapasalamat po ako sa lahat ng nagmamahal kay Tatay."

"Sana po yung iba, pumunta rin para suportahan si Tatay at ipag-pray si Tatay," pagtatapos ni Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN