Sancho delas Alas reveals close bond with mom A-Ai's BF Gerald Sibayan

Sancho delas Alas on his relationship with mom Ai-Ai's boyfriend Gerald Sibayan: "Very, very, very close! As in para kaming magkabarkada."

 


"Very, very, very close!"

Ganyan inilarawan ni Sancho delas Alas, anak ni Ai-Ai delas Alas, ang kanyang relationship kay Gerald Sibayan, ang boyfriend ng actress-comedienne.

Saad ni Sancho, "As in para kaming magkabarkada.

"Ganun po ka-close.

"Kasi po nagba-badminton din po ako, e.

"So nakakalaro ko sila. Sumasama ako sa kanila. And airsoft, naglalaro rin po kami ng airsoft.

"And ngayon po kasi kakabalik lang namin galing States

"So siguro, masasabi kong mas naging close kami. Kasi sa States po kasi kami nag-Christmas, so sobrang intact, kumbaga.

"Konti lang naman po yung friends [namin] na nasa States, so most of the time puro kami po ang magkakasama. Family.

"As in kumbaga, parang quality time with the whole family."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sancho sa presscon ng Wish I May noong Biyernes, January 8, sa GMA Network Center.

FAMILY BONDING DURING THE HOLIDAYS. Ayon kay Sancho, nag-celebrate ang kanilang buong pamilya ng Pasko at Bagong Taon sa bahay ni Ai-Ai sa California.

Kasama rin sa bakasyon ang mga kapatid ni Sancho na sina Sophia at Niccolo, at ang girlfriend ni Sancho na si Shanna Retuya na isang modelo.

December 23 sila umalis papuntang Amerika at noong araw mismo ng presscon sila bumalik sa Pilipinas.

NO WEDDING PLANS YET. Napag-uusapan na ba nila ni Shanna ang kasal?

Sagot ni Sancho, "Actually, na-tackle na po namin yung kasal. Kaso masyado pa pong maaga, e.

"So sabi ko sa kanya, baka after three to five years bago namin mapag-usapan ulit para ayusin na.

Si Sancho ay 24 anyos, samantalang 19 years old si Shanna. Nagkakilala sila through common friends two years ago.

NEW SHOW. Ang Wish I May ang pangalawang regular show ni Sancho sa GMA.

Nakasama na niya sa isang episode ng Magpakailanman ang ina.

Amg karakter na gagampanan ni Sancho sa Sa Wish I May aysi Tope, pinsan ni Tristan, played by Miguel Tanfelix.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Sancho, "Ako po yung kuya-kuyahan niya dito, barkada/kuya dun sa story po."

Good boy o bad boy ba si Tope sa kuwento?

"Fifty-fifty po. Medyo maloko-loko rin po kahit papaano," sagot ni Sancho.

HAPPY WITH SUPPORTING ROLES. Okay lang kay Sancho na supporting roles ang madalas na binibigay sa kanya.

Paliwanag niya, "Okay nga po sa akin yun, kasi feeling ko rin po, hindi po ako puwedeng isabak agad sa lead roles. Kasi iyon nga po, kaka-start ko lang.

"So step by step. Kumbaga, hinahanap ko rin yung tinatahak kong career, yung para sa akin po, kung ano yung roles na babagay sa akin.

"Gusto ko po talagang ma-try ang drama."

Sinong artista ang nais niyang sundan ang mga yapak?

Tugon ni Sancho, "I-set aside po natin yung drama. Idol ko po kasi, Mark Herras.

"So medyo may pagka-bad boy yung image, ganyan."

Regular cast member si Mark ng Little Nanay pero may special participation siya sa simula ng Wish I May.

Kagaya ni Mark, na kilala bilang "Bad Boy ng Dancefloor," mahusay din bang sumayaw si Sancho?

Lahad ni Sancho, "More of marunong po.

"Tapos, kung mabibigyan ako ng role bilang kontrabida, okay lang din po sa akin yun.

"Sa drama, sino bang favorite kong artista sa drama?

"Dennis Trillo!"

May image sina Mark at Dennis na habulin ng mga babae. Babaero ba si Sancho?

"Hindi po, hindi po!" ang natatawa niyang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN