Marlo Mortel holds no grudge against ABS-CBN for loveteam breakup

Marlo Mortel clarifies that despite being saddened by the breakup of his successful loveteam with Janella Salvador, he still respect his home network's decision: "Kung hindi man nila ako ipareha sa iba, at least ay may ginagawa ako every day. Sila yung talagang nagpapasuweldo sa akin, sila iyong bumubuhay sa career ko. So, wala akong tampo sa ABS-CBN. Mahal ko ang ABS-CBN."


Nagpapasalamat si Marlo Mortel sa mga sumuporta sa pelikula nila nina Janella Salvador at Jerome Ponce na Haunted Mansion sa katatapos lang na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015.

Ayon kay Marlo, hindi siya makapaniwala na pumangatlo sa box-office race ang pelikula nilang pinamahalaan ni Direk Jun Robles Lana, mula sa Regal Films.

"Hindi ako talaga makapaniwala na number three kami.

"Ang ini-expect ko, ang pinakamataas ay fourth or fifth yung movie namin.

"Kasi, kahit paano naman ang horror movie ay laging may place sa MMFF.

"Pero para maungusan namin iyong ibang pelikula?"

Patuloy ni Marlo, "Kaya sobrang happy ako, kasi considering talaga, ang pinaka-challenge talaga sa amin dito is tatlo kaming baguhan sa pelikula.

"This is our first movie, lahat kaming tatlo. So, pinaka-challenge na makalaban namin yung big stars, e.

"And para malagpasan namin yung iba and mapasali kami sa top 3, sobrang happy talaga.

"Ang ganda ng response ng mga tao.

"So very happy talaga kami.

"Wala pa kaming pruweba o napatunayan, pero at least, nakita dito sa Haunted Mansion ang potential naming tatlo."

Dagdag ng Kapamilya actor, "Ang akala ko after ng MMFF ay baka maungusan na kami ng Walang Forever, kasi nga ay nanalo sila ng awards.

"Wala kaming award kahit isa. Hindi na-nominate yung director namin na feeling ko ay mali iyon.

"Nag-direct siya ng halos lahat ay baguhan pero hindi siya na-nominate. So, for me, it's very wrong.

"Si Janella, ang galing-galing niya rito.

"So para sa akin dapat she deserve more than that.

"Pero siyempre wala tayong magagawa, yung mga award-giving body, yung judge ang nag-decide.

"Pero nagpapasalamat ako na kahit wala kaming award, sinuportahan ng manonood yung Haunted Mansion dahil totoo namang maganda po yung movie."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marlo sa block screening ng Haunted Mansion noong Sabado, January 9, sa Robinson's Galleria. Ang block screening ay inorganisa ng fans club niyang Marlo's World.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOVING ON FROM LOVETEAM BREAKUP. Hinggil naman sa pagkabuwag ng love team nila ni Janella Salvador, sinabi ni Marlo na nalungkot siya sa nangyari, ngunit mas gusto niyang mag-focus sa positive na bagay.

"Siyempre nakakalungkot, pero kasi, di ko naman desisyon yun, e.

"E, kung ako naman, ano bang magagawa ko?

"E, parang bigla na lang akong naiwan sa ere, totoo naman yun, di ba?

"Pero wala naman akong magagawa kasi desisyon ng management yun.

"So, ang magagawa ko na lang is maghintay ng parang something positive, kasi nga itong movie namin, nag-click.

"So, malay natin, dahil dito, masundan naman yung gagawin namin, either movie or ma-realize nila baka ibalik ang tandem namin.

"Pero for now, happy ako for them and happy rin ako na may ginagawa ako na sarili ko."

Si Janella ay may bagong ka-love team sa katauhan ng bagong Kapamilya na si Elmo Magalona.

Si Marlo naman ay regular na napapanood sa Umagang Kay Ganda at semi-regular sa Kris TV.

NO GRUDGE AGAINST HOME NETWORK. Nagtampo ba si Marlo sa ABS-CBN dahil sa pangyayari?

Sagot niya, "Well, hindi naman.

"Ako, actually, hindi ako nagtampo, kasi siyempre ang ABS-CBN, binibigyan nila ako ng trabaho, e.

"Ang importante ay may trabaho tayo.

"So, kung hindi man nila ako ipareha sa iba, at least ay may ginagawa ako every day.

"Sila yung talagang nagpapasuweldo sa akin, sila iyong bumubuhay sa career ko.

"So, wala akong tampo sa ABS-CBN. Mahal ko ang ABS-CBN."

Sinabi rin ni Marlo ang panghihinayang niya sa kinasapitan ng love team nila ni Janella.

"Opo siyempre, naghihinayang.

"Sino ba naman ang hindi manghihinayang? Yung iba nga kapag nakikita ako, parang? 'Anong nangyari?'

"E, ako naman, tinanggap ko na lang, kasi ganoon talaga, e.

"Parang before pa lang, parang sinasabi na sa akin, mag-ready na ako sa future, if ever mapunta sa iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi kahit yung mga sikat na artista, pinaghihiwalay rin.

"Pero malay naman natin, puwede pa rin naman kami magkaroon ng project together."

DEVASTATED FANS. Nabanggit din ni Marlo na naapektuhan ang fans nila dahil sa pangyayari.

Kuwento niya, "Naku! Lalo yung mga Marnella, para silang hiniwalayan ng dyowa nila talaga.

"Parang sila yung nag-break, e. Kasi nga naman, masakit nga naman. Kasi all-out support sila sa amin.

"Tsaka ang ganda naman ng team-up namin sa Be Careful to Oh My G, e.

"Kumbaga it was successful, e. Hindi siya flop.

"Kaya lang siguro, talagang nagbe-venture sila siguro sa puwedeng maging career ni Janella, na ipa-partner sa iba."

Pero kung hindi mag-click ang love team nina Janella at Elmo, puwede bang ibalik ang love team nila?

"Siyempre hindi ko naman wini-wish na hindi siya mag-click.

"Pero why not naman na magbalik kami? Kasi ako naman ngayon, waiting lang din naman ako."

READY FOR NEW LOVETEAM PARTNER? Open ba siya sa ibang ka-love team?

Ayong kay Marlo, "Open din naman, siyempre gusto ko rin naman maka-experience, maka-try ng new love team.

"Pero for now, siyempre mas strong sana itong love team namin.

"Kumbaga, humahanay naman kami sa ibang love team ng ABS.

"Kumbaga, siguro ang palagay ko, ha, hindi lang kami nabigyan ng right project for TV.

"Kasi ang nangyari, pang-umaga and ang role ko doon para naman magkapatid kami halos sa Oh My G! It's not a love team na teleserye, it's a family teleserye.

"So, binigyan nila sana kami ng chance na malay mo na parang talagang pang-love team yung gawin namin, makikita siguro nila yung potential.

"Kaya I'm very thankful kina Mother Lily and Regal Films na talagang naniwala sa amin.

"Biruin mo, nag-risk sila na ibida kami dito.

"And balita ko, maganda talaga yung chemistry naming tatlo.

"So, very thankful ako na nabigyan ako nitong Haunted Mansion."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinong bagong ka-love team ang gusto niya?

"Sa ngayon, wala pa akong naiisip, e, kasi may hang-over pa ako sa love team namin.

"Pero kung may gusto silang ipareha sa akin, wala namang problema yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN