Rochelle Pangilinan denies she and boyfriend Arthur Solinap are getting married

Rochelle Pangilinan on accepting boyfriend Arthur Solinap's proposal if and when he pops the question: "Opo! Para saan pa't tumatagal kami ng walong taon tapos tatanggihan ko lang? Dapat noon pa, first year, second year pa lang namin, nakipaghiwalay na ako."


Mariing itinanggi ni Rochelle Pangilinan ang balitang ikakasal na sila ng boyfriend na si Arthur Solinap.

Lalo raw walang katotohanan ang balitang nagpakasal na sila nang lihim.

Pahayag ni Rochelle sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Saan naman nanggaling yun? Hindi totoo."

Bakit hindi pa sila nagpapakasal?

"Hindi ko rin alam," sagot ng dating SexBomb dancer.

Pero papayag daw siya sakaling mag-propose si Arthur.

"Opo! Para saan pa't tumatagal kami ng walong taon, tapos tatanggihan ko lang?

"Dapat noon pa, first year, second year pa lang namin, nakipaghiwalay na ako."

Okey lang ba kay Rochelle na isakripisyo ang showbiz career kapag kasal na sila ni Arthur?

Tugon ng dancer-actress, "Actually, pinag-usapan namin 'yan.

"Pinag-uusapan naman namin lahat ng ganyan, e.

"Kung sakaling magiging kami, mabubuntis ako, hanggang anong month ng tiyan ko ako puwedeng magtrabaho, mga ganyan.

"So sabi niya, 'Hangga't kaya mo, pero kung ayaw mo na, e, di huwag.'

"Ganun lang siya, e."

Wala raw pakialam si Rochelle kahit maging losyang siya at tumaba kung may asawa't anak na siya.

"Gusto naming kasal muna bago mabuntis.

"Or pupuwedeng kinabukasan agad or kinagabihan [pagkatapos ng kasal], buntis agad!" natatawang sabi niya.

Nakausap ng PEP si Rochelle sa presscon ng GMA Afternoon Prime series na Wish I May noong Biyernes, January 8, sa 17th floor ng GMA Network Center.

INVESTMENTS. Handa na sina Rochelle at Arthur kung pinansiyal na aspeto ng pagpapakasal ang pag-uusapan. Bukod sa pag-aartista ay may negosyo ang magkasintahan.

May nirerentahan silang lupa sa Iloilo na may mga tanim na tubo o sugarcane.

Pag-aari ng pamilya nina Arthur ang lupain.

Sabi ni Rochelle, "Kami ng daddy niya ang nagre-rent.

"Sa family nila, nagre-rent kami para safe."

Bakit hindi ibigay na lang sa kanila ang lupa?

"Marami sila dun, e. Hindi naman sa kanya lang.

"Marami silang magkakapatid dun [na nagmamay-ari]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayaw sabihin ni Rochelle kung gaano kalaki ang naturang lupain, kung gaano karaming sugarcane ang nakatanim doon, at kung kanino at saan sila nagsu-supply ng tubo.

Biniro namin si Rochelle na milyonaryo na sila ni Arthur.

"Hindi naman, sakto lang," sambit niya.

Tatlong taon na ang tubuhan nina Rochelle at Arthur.

Bakit hindi pa nila bilhin ang lupa para hindi na sila nagrerenta?

Tugon ni Rochelle, "Pag naayos nila. Pag naayos ng daddy ni Art.

"Gusto naming [bilhin] kasi siyempre ayaw namin na mabili ng iba, na lalagyan ng building. Sayang, e.

"Kaya iyon ang gusto naming pag-ipunan, pag-iipunan namin ng pamilya ni Art yun."

May investment din sina Rochelle at Arthur sa Reluxe Spa sa Luxent Hotel sa Timog Avenue, Quezon City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN