Ash Ortega admits being courted by fellow GMA artist Juancho Triviño

Ash Ortega on why she gave an Armani watch to Juancho Triviño last Christmas: "Good friends po kasi kami ni Juancho. Isa po siya sa mga pinagkakatiwalaan kong artista dito."


Itinanggi ni Ash Ortega ang balitang may relasyon sila ng kapwa niya Kapuso artist na si Juancho Triviño.

Pero inamin niyang lumalabas sila ng binata.

"As friends! Tsaka pag lumalabas kami, kasama namin yung mga ibang friends namin," saad ni Ash sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philiippine Entertainment Portal) sa presscon ng Wish I May noong Biyernes, January 8.

Inamin din ni Ash na lumabas na sila ni Juancho na silang dalawa lamang.

"Nung InstaDad, umalis kami together, pero first time naming mag-hang out together.

"Yung InstaDad pa yun. Before before pa yun, nung kalagitnaan ng InstaDad, nag-hang out kami."

Nanliligaw ba si Juancho sa kanya?

Sagot ni Ash, "Hindi ko po alam sa kanya, pero naka-focus siya sa Little Nanay.

"Kasi parang halos three times a week yung taping niya, e."

May alam ba siyang ibang nililigawan ni Juancho?

"Hindi ko po alam, e."

May ibang nanliligaw ba sa kanya?

"Hindi ko sila ine-entertain," sagot ni Ash.

Dahil ba ito kay Juancho?

"Hindi naman po pero kasi ayoko munang mag-entertain ng boys, lalo na ngayon, may Wish I May."

Bakit si Juancho ine-entertain niya?

"Good friends nga po kami," bulalas ni Ash.

"Close friends. Isa siya sa mga ka-close ko dito sa showbiz.

"Nung birthday ko, pumunta si Juancho. Pumunta si Gabbi [Garcia] tsaka si Ruru [Madrid].

"Nagpa-dinner po ako sa isang restaurant.

"Yung mga taga-InstaDad rin, si Kuya Gabby [Eigenmann] pumunta."

Twenty years old si Juancho at 17 naman si Ash.

May chance ba si Juancho sakaling ligawan siya nito?

Sagot ng dalaga, "Napi-feel ko naman na nanliligaw siya, pero alam naman niya na...

"Ramdam ko, pero ayoko naman munang maano in a relationship.

"Siyempre we both have our priorities and that is our shows right now, yung career namin."

Mamahalin ang iniregalo nina Ash at Juancho sa isa't-isa noong Pasko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Binigyan niya po ako ng Ray-Ban [shades]. Kasi birthday ko din po kasi. [December] 26 ang birthday ko."

Kung shades ang ibinigay ni Juancho kay Ash, Armani watch naman ang iniregalo ng dalaga sa aktor.

Sabi niya, "Good friends po kasi kami ni Juancho. Isa po siya sa mga pinagkakatiwalaan kong artista dito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN