Christi McGarry admits disappointment over Ms Intercontinental 2015 1st runner-up finish

Kahit na hindi nakuha ang korona, masaya pa rin daw si Miss Intercontinental 2015 1st runner up Christi Lynn McGarry na nakapagbigay siya ng karangalan sa bansa.


Nakangiting inamin ni Christi Lynn McGarry na dismayado siya na first runner-up lang sa Miss Intercontinental 2015 ang kanyang napagwagian nitong nakaraang December 18 sa Germany.

Ang kandidata mula sa Russia ang nakakuha ng titulo.

Nasa bansa na mula sa Germany si Christi Lynn at humarap siya sa ilang miyembro ng media, kasama ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa Pool Bar ng Novotel Hotel, sa Araneta Center, Cubao, Quezon City, kahapon, January 11.

Aniya, "I would be lying to you if I said I wasn't disappointed.

"But overall, I can say I'm really contented with my performance. I really, really did my best 100 percent.

"But I'm disappointed but I'm still happy that I know I made the Philippines proud, so that to me means more."

Ano na ang plano niya ngayong tapos na ang pageant? Balak ba niyang pumasok sa showbiz?

Sagot ni Christi Lynn, "For now, since the pageant just finished, I just wanna enjoy my time with my family, with my friends.

"But definitely, looking forward for the future.

"I never really expected or plan to become an artista or anything of some sort.

"I just want to pursue my modelling career here professionally since I have the height for it.

"And then maybe looking forward to a career in hosting, for example like Joey Mead who's an idol of mine."

(Photo by Noel Orsal)

ADVICE TO ASPIRING BINIBINI CANDIDATES. Itinuturing ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) na ang 2015 batch ang pinakamatagumpay, so far, sa kasaysayan ng Binibining Pilipinas beauty pageant.

Halos lahat kasi ng mga nanalo sa Binibining Pilipinas 2015 ay nakapasok sa Top 15 sa lahat ng international pageants na kanilang sinalihan, kabilang na si Pia Wurtzbach na itinanghal na Miss Universe 2015 sa Las Vegas, Nevada.

Nagsimula na rin ang search para sa Binibining Pilipinas 2016.

Ano kaya ang maipapayo ni Christi sa aspiring candidates at nais sundan ang kanilang yapak?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag niya, "Be themselves. Learn to have fun and also be prepared to have a lot of sacrifice and growth.

"It's not an easy task but it's going to be worthy in the end.

"So, stay strong and be determined all the way through."

Ano ang mami-miss niya sa pagiging Binibini?

Sagot ni Christi, "The girls. The time we spent together.

"But I know our friendship will continue past the reign.

"I am looking forward to going back to my normal life also but the reign has been great."

Sa isang bahagi ng panayam, naiyak si Christi dahil pagdating niya sa bansa ay namatay ang isa niyang malapit na kamag-anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN