Jackie Lou Blanco recalls how Kuya Germs got her started on television

Jackie Lou Blanco feels deeply the sudden departure of Master Showman German Moreno from showbiz, "He was like a second father sa aming lahat kaya it's hard to accept na wala na si tatay."
    


Isa sa maituturing na babies ng yumaong German "Kuya Germs" Moreno sa showbiz ay si Jackie Lou Blanco.

Kuwento ng singer/actress/TV host, "I was fourteen years old when I started sa Germspesyal, I had no idea what I doing on television that time.

"But it was Kuya Germs who guided me, taught me all the things I needed to know sa trabahong ito.

"Sa awa ng Diyos, I'd been with Kuya Germs for more than thirty years."

Tatlo lang daw sila noon nina Sharon Cuneta at Lani Mercado na nag--aalternate bilang co-host ni Kuya Germs.

"Until pumasok na nga sina Zsa Zsa Padilla, Gretchen Barretto, Dawn Zulueta, Maricel Laxa, Jam Morales, Jean Garcia, and Rachel Ann Wolfe.

"Lahat kami binigyan ng chance ni Kuya Germs na maging host.

"At lahat ng mga aral na ibinigay niya sa amin ay dala-dala namin hanggang ngayon."

Noong malaman nga raw ni Jackie na na-comatose si Kuya Germs noong gabi ng January 7 ay bigla siyang kinabahan.

"I was talking to John Nite and he said that it wasn't looking good, but they were trying to revive him.

"Sabi ko na lang, 'Let's continue to pray.'

"When I learned that Kuya Germs slipped into a coma, doon na ako kinabahan, pakiramdam ko na baka ito na yun.

"I prayed na kung time na talaga ni Kuya Germs, 'Lord, please take him kesa naman sa mahihirapan pa siya.'"

Parte na raw ng pamilya ni Jackie si Kuya Germs kaya lubos ang pasasalamat niya rito sa lahat ng mga nagawa nito sa kanya.

"Hindi na siya ibang tao sa amin, he was friend with my mom [Pilita Corrales] for countless years.

"He was like a second father sa aming lahat kaya it's hard to accept na wala na si Tatay.

"But his legacy lives on sa mga taong natulungan niya in and out of showbiz," pahayag ni Jackie Lou.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN