Piolo Pascual says Kuya Germs made him realize he could be a celebrity

Piolo Pascual at Kuya Germs's wake Monday evening, January 11, together with his son IƱigo (not in photo) and Star Magic founder Johnny Manahan (left).


Inalala ni Piolo Pascual kung paano siya natulungan ni German "Kuya Germs" Moreno nang nagsisimula pa lamang siya bilang isang artista.

Bago pa sumikat si Piolo bilang isang aktor, nagsimula muna siya sa That's Entertainment, ang youth-oriented show ni Kuya Germs sa GMA Network noong '90s.

PJ Pascual ang gamit na screen name noon ni Piolo.

Lahad ng Kapamilya matinee idol, "Actually, first work ko, That's Entertainment. I was in third year high school.

"Mahiyain ako, payat-payatin, laging nasa likod.

"Si Kuya Germs ang pumilit sa akin na, 'Dapat nasa harap ka, huwag kang nahihiya. Dapat confident ka.'

"Actually, hindi ko makakalimutan yun. Kundi dahil kay Kuya Germs, hindi ko mari-realize na puwede pala akong maging artista.

"Yun talaga ang mga dinadala ko."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Piolo sa burol ni Kuya Germs sa Mt. Carmel, Quezon City, Lunes ng gabi, January 11.

Ano ang reaksyon ni Piolo nang mabalitaan niyang pumanaw na ang itinuturing niyang mentor?

"When I found out, prayer agad.

"He left a good legacy and, I think, ito yung talagang maaalala ko sa kanya, siya ang nagbigay sa akin ng break para maging artista.

"So, yung mga tinulungan niya, sina Kuya John [Nite]... grabe ang mga natulungan niya.

"Dun makikita kung gaano napamahal si Kuya Germs sa tao because inuna niya ang ibang tao bago ang sarili niya."

Sabi pa ni Piolo sa pagpanaw ng itinuturing niyang mentor, "For sure, maraming makaka-miss sa kanya. Marami ang nagmamahal sa kanya.

"Nakikita naman natin yun. Nagdasa ang mga tao sa burol.

"Like what I said, his legacy will live on.

"Mahal na mahal namin si Kuya Germs.

"Maraming salamat sa buhay na ibinigay niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN