Dingdong Dantes reveals most valuable lesson Kuya Germs had taught him

Dingdong Dantes on the late Kuya Germs: "Kahit anong mangyari, ang sasabihin niyang mahalaga na kayamanan ng isang tao ay ang kanyang loyalty. Hindi lang naman loyalty as a word, but how you live it or how you uphold it."


"Nagsimula ako talaga sa kanya, sa programa niya sa GMA Supershow."

Ito ang pagsisiwalat ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes nang ma-interview siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang TV crew sa burol ng yumaong Master Showman na si German "Kuya Germs" Moreno sa Mt. Carmel, Quezon City, nitong Lunes ng gabi, January 11.

Nagsimula sa showbiz si Dingdong bilang miyembro ng all-male dance group na Abztract Dancers, kasama rin ang pinsan niyang si Arthur Solinap at aktor na si Dino Guevarra.

Sabi pa ni Dingdong, malaki ang naiambag ni Kuya Germs sa kanyang pagsikat.

"Sa lahat ng hakbang na gagawin ko, na ginagawa ko, magmula noon hanggang ngayon, especially in this industry, e, kasama ko talaga siya.

"Yung kanyang mga naituro, yung kanyang mga inspirasyon, lalung-lalo na ang kanyang mga alaala na parating iniiwan niya, hindi lang sa akin, kundi sa maraming kabataang nag-a-aspire na pumunta sa industriyang ito at magtrabaho rito, na hindi talaga kami dapat tumigil sa paghabol sa aming mga pangarap, sa mga gusto namin.

"Nakikita ko naman na bukod sa akin, ang dami talaga niyang na-inspire din.

"So, maraming mga natupad na pangarap dahil sa kanya.

"So, hinding-hindi namin makakalimutan ang lahat ng yun."

Ano naman ang importanteng aral na itinuro sa kanya ni Kuya Germs?

Sagot ni Dingdong, "It's really about loyalty.

"Siguro isa yun sa mga nag-stick sa akin. Kahit ano'ng mangyari, ang sasabihin niyang mahalaga na kayamanan ng isang tao ay ang kanyang loyalty.

"Hindi lang naman loyalty as a word, but how you live it or how you uphold it.

"Kanya-kanya namang perception ng loyalty 'yan, pero ang mahalaga sa kanya, nagagawa mo 'yan gracefully.

"Kumbaga, lahat ng nangyayari sa iyo, ina-attribute mo dun sa lahat ng tao na nakasama mo in the past."

Hindi naman daw makakalimutan ng Kapuso actor ang pinagsamahan nila ni Kuya Germs lalo na nung baguhan pa lang siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro those days, yung mga late '90s, ganun talaga, looking forward kami every Sunday na mag-guest sa GMA Supershow dahil hindi namin alam...

"Kami yung tipong kapag overtime na, hindi yung kami yung isasalang, pero naka-standby kami.

"Pero bawat minutong nandun kami, sobrang sulit dahil hindi siya nagkulang sa mga payo, sa mga sa pag-guide.

"Especially those years, formative years as teens, talagang malaking bagay yung may gumagabay sa 'yo.

"And siya yung isa sa mga gumabagay sa amin and sa akin, bukod sa aming mga magulang and bukod sa aming mga mahal sa buhay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN