Angel Locsin neither confirms nor denies if she'll still play Darna

Angel Locsin is part of the newest set of  judges of the ABS-CBN reality-talent show Pilipinas Got Talent Season 5. She will be joined by Vice Ganda, Robin Padilla, and PGT old-timer Freddie M. Garcia.


Malakas na hiyawan ng "Darna! Darna! Darna!" ang sumalubong kay Angel Locsin sa red-carpet live auditions ng Pilipinas Got Talent Season 5 sa Kia Theatre, Cubao, Quezon City, ngayong Martes, January 12.

Isa si Angel sa mga bagong hurado ng talent search na ito ng ABS-CBN; kasama sina Robin Padilla at Vice Ganda.

Ang tanging na-retain mula sa mga naunang seasons ng Pilipinas Got Talent ay si Freddie M. Garcia.

Matatandaang matapos ang halos isang taong paghahanda para sa Darna movie ay malungkot na inanunsyo ni Angel na hindi na matutuloy ang muling pagganap niya bilang Pinay superhero dahil sa natamong injury mula rito.

Napag-alaman na ang pagkakaroon ng disc bulge sa kanyang spine ang naging pangunahing kunsiderasyon kaya hindi na niya magagawa ang proyekto.

Ngunit hindi pa rin ito naging hadlang para ipagpatuloy ng kanyang mga tagasuporta ang pagtawag sa kanya bilang "Darna."

Unang ginampanan ni Angel ang role bilang Darna sa primetime series ng GMA Network noong 2005.

Reaksiyon dito ni Angel, "Nakakaiyak. Nakakaiyak kasi siyempre pinaghirapan ko rin naman yun.

"Kaya nakakatuwa na tumatatak pa rin sa tao. Hindi ko makakalimutan yung pagmamahal na ibinibigay nila."

Kahit ang boyfriend ni Angel na Luis Manzano ay umaasa na sana ay magawa pa rin ng aktres ang Darna.

Saad ni Angel, "Hindi naman sa hoping, baka iba naman yung dating.

"But, alam niya kasi kung gaano kaimportante sa akin yung project, kung gaano ko kamahal, kung gaano ko siya tine-treasure.

"Kaya siguro kung ano yung makapagpapasaya sa akin, yun din yung gusto niya."

May pag-asa pa kayang siya ang maging Darna sa muling pagsasapelikula nito?

"Hindi ko po alam, pero ewan ko po," tugon ni Angel.

Ngunit malakas ang bulung-bulungan na ang gaganap na bagong Darna ay si Nadine Lustre.

PGT JUDGE. Samantala, excited si Angel na maging hurado ng Pilipinas Got Talent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paglalarawan sa kanya ng mga kapwa niya hurado, istrikto na mabait at may pagkaseryoso raw si Angel.

Ganun nga ba siya?

Sagot ni Angel, "Mabait na may topak, yun lang yun."

Inalala ni Angel noong nagsisimula siya sa showbiz kung saan sinubukan din niyang mag-audition.

"Kasi, parang way back, nagkaroon din ako ng opportunity na magpakita ng talent.

"Tapos may nagbigay sa akin ng chance.

"So, ngayon, gusto ko sana na suklian yung ibinigay na chance sa akin ng tao.

"Gusto ko mag-yes sa lahat, pero hindi naman puwede, kasi kailangan natin maging honest din sa kanila at maging fair sa ibang contestants."

Ano ba ang hinahanap ni Angel sa isang contestant?

Sagot niya, "Ako siyempre, kailangan world class yung talent.

"Sa akin kasi, hindi lang yung talent yung para maging sikat ka, para mahalin ka ng tao.

"Gusto ko rin may good attitude at saka may magic."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN