Sen. Grace Poe thanks Supreme Court for affirming TRO on her disqualification cases

Senator Grace Poe on Supreme Court's affirmation of TROs on disqualification cases against her: "Pinatibay nito ang aking paninindigan na ako ay kwalipikado na tumakbo sa pagka-pangulo sa eleksyon sa Mayo."


Ikinatuwa ni Senator Grace Poe ang desisyon ng Supreme Court na kumpirmahin ang temporary restraining order (TRO) kaugnay ng disqualification cases na inihain laban sa kanya.

Kabilang dito ang ipinataw ng Supreme Court na TRO sa en banc decision ng Commission on Elections (Comelec) na kanselahin ang kandidatura ni Poe bilang pangulo ngayong 2016 elections, base sa reklamo ni Atty. Estrella Elampora kaugnay ng residency status ng senadora.

Kinumpirma rin ng Supreme Court ang TRO sa hiwalay na disqualification petition na isinampa nina dating Senator Francisco Tatad, Antonio Contreras, at Amado Valdez laban kay Poe sa Comelec.

Kaugnay nito, nanindigan si Poe na siya ay kwalipikadong kumandidato bilang pangulo sa 2016 elections.

Pahayag ni Senator Poe sa kanyang official statement na pinadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Martes, January 12:

"Lubos akong nagagalak sa pagpapatibay ng Korte Suprema sa TRO na una na nitong inilabas laban sa cancellation ng Comelec sa aking certificate of candidacy.

"Pinatibay nito ang aking paninindigan na ako ay kwalipikado na tumakbo sa pagka-pangulo sa eleksyon sa Mayo.

"Ang desisyong ito ay mainam hindi lang sa aking kaso at sa aking mga taga-suporta, kundi sa demokrasya sa kabuuan."

Diin pa niya, "Tuloy ang ating laban!"

Ayon sa hiwalay na ulat ng GMA News Online ngayong araw, 12 out of 15 associate justices ng Supreme Court ang bumoto na pagtibayin ang dalawang TRO na inisyu ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno noong December 28.

Niresolba rin ng Supreme Court na pagsamahin na ang petisyong isinampa nina Elamparo at Tatad laban kay Senator Poe.

Sa January 19 nakatakdang magkaroon ng pagdinig sa Supreme Court hinggil dito.

Sa ngayon, nananatili ang pangalan ni Poe sa balota para sa 2016 elections.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN