Gabby Concepcion recalls last meeting with German Moreno

This photo was taken last December 1, Gabby Concepcion's last meeting with German Moreno.


Mahalaga raw para kay Gabby Concepcion ang mga alaalang iniwan sa kanya ng Master Showman na si German Moreno.

Isa na rito ay ang Walk of Fame star niya sa Eastwood.

Kuwento ni Gabby, "Meron na ko, matagal na."

At mabuti na lang daw ay pinaunlakan niya ang imbitasyon ng Master Showman nung nagkaroon ng unveiling para sa batch this year noong December 1.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng matinee idol, "Hindi raw kasi ako nakapunta noong kinumbida niya kong magpunta.

"So this time, nagpunta ko, buti na lang nagpunta ko."

At ang sabi raw sa kanya ni Kuya Germs noon, 'Alam ko ang star mo, nandiyan na. Basta sumama ka lang sa akin. Kasi last time, hindi ka nakapunta.'

"So okey, sumama 'ko, e, kung meron naman ako [oras], siguradong pupunta ko."

Dugtong pa ni Gabby, "Mabait si Kuya Germs."

Sa isang banda, hindi matandaan ni Gabby kung isa si Kuya Germs sa mga tumayong ninong sa kasal nila noon ng Megastar na si Sharon Cuneta.

Nakausap namin ang actor na si Gabby Concepcion sa taping ng kanilang primetime series na Because Of You.

Halos likod lang ng location nila ang Mt. Carmel kunsaan nakalagak ang labi ni Kuya Germs.

Ayon kay Gabby, hindi pa raw talaga siya nakadadalaw rito dahil nang pumanaw ito ay nasa Cebu siya.

Kaya sabi niya, "Pagka-pack up nito, siguradong pupuntahan ko na.

"Nasa Cebu ako noong weekend so, siguro ako, kasama ko yung mga nandito sa pagpunta."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN