Pauleen Luna: "I don't hate ABS. I'm just a bit sad because sana nirespeto na lang nila yung request."

Pauleen Luna on ABS-CBN revealing her wedding details: "A lot of people knew the details already but kept mum about it because they respected the fact that we want to announce it in Eat Bulaga, which is our HOME."


"Nakapangako kami sa Eat Bulaga, kung saan talaga namin gusto i-announce..."

Bahagi ito ng pahayag ni Pauleen Luna sa comment section ng kanyang Instagram account.

Patungkol ito sa pagsisiwalat ng TV Patrol ng date at venue ng kanyang nalalapit na kasal kay Vic Sotto sa January 30.

Ayon sa report ni ABS-CBN entertainment reporter Mario Dumaual, nanggaling daw ang mga detalye sa mismong manager ni Pauleen na si Lolit Solis.

Dahil dito, nag-post ng malamang mensahe si Pauleen sa kanyang Facebook account kung saan "nagpasalamat" siya sa ABS-CBN.

Dahil daw sa ginawang pagbalita ng Kapamilya network, naisakatuparan nila ni Vic ang minimithi nilang "exclusivity."

Malinaw ang pagkadismaya ni Pauleen sa nangyari dahil gusto raw niyang maunang masabi ang wedding details sa noontime show na kinabibilangan nila ni Vic, ang Eat Bulaga!

Binura na ni Pauleen ang nasabing Facebook post.

Pero sa kanyang Instagram, heto ang kanyang post tatlong araw na ang nakakaraan.

"Hating them is not the issue here," pagtukoy niya sa Kapamilya Network.

"And certainly not because we want to keep the wedding 'private.'

"A lot of people knew the details already but kept mum about it because they respected the fact that we want to announce it in Eat Bulaga, which is our HOME.

"Sana po naiintindihan niyo.

"We requested na wag nalang muna sabihin dahil nakapangako kami sa Eat Bulaga, kung saan talaga namin gusto i-announce. Yun lang naman yun.

"I don't hate ABS [-CBN].

"I'm just a bit sad because sana nirespeto na lang nila yung request.

"Imbitado naman sila.

"I hope I made myself clear."

Bago lumipat sa GMA, naging talent ng ABS-CBN si Pauleen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN