Angeline Quinto: "Mahal ko naman si Erik [Santos]."

"Kailangan ko pa pong magtrabaho," said Angeline Quinto when asked about having a romantic relationship with Erik Santos.


Aminado si Angeline Quinto na may ilan nang nagagalit kung bakit hanggang ngayon ay hindi niya masagot nang diretso kung sila na ni Erik Santos.

Sa press conference ng upcoming Valentine concert nila ni Erik, ang Royals, na ginanap kaninang tanghali, January 13, sinabi ni Angeline na "ganun pa rin" ang relasyon nila ng kapwa singer.

Ibig sabihin ay malapit na magkaibigan sila ngunit wala pang romantic relationship.

Pagkatapos ay kinuwento niya, "Ang daming nagtatanong sa akin, yung iba nga po nagagalit, na kung mahal ko naman daw si Erik, bakit 'di ko sagutin?

"Mahal ko po si Erik. Meron lang po akong iniingatan dahil hindi ko naman pwede i-share sa lahat."

Bago pa matanong kung ano ang tinutukoy ni Angeline na iniingatan niya, pabirong sumingit ang makakasama nila sa Royals concert na si Regine Velasquez, "Huwag ibigay ang 'Bataan'!"

Agad namang bawi ni Angeline, "Siyempre, sa panahon ngayon mabuti nang ingatan 'yon. E si Erik pa naman mahilig magbiro na mag-sex kami."

Pabirong hirit naman ni Regine, "Naku, huwag mong isuko ang 'Bataan'! Hanggang sa magsara siya, huwag mong isuko ang 'Bataan'!"

Natatawang sagot ni Angeline, "Mas mabuti nang safe. Biruan lang naman."

BETTER AS FRIENDS. Sa hiwalay na panayam kay Angeline, sinabi niya na isang dahilan pa kung bakit hindi pa sila puwedeng maging magkarelasyon ni Erik ay ang kani-kanilang showbiz career.

"Kailangan ko pa pong magtrabaho," sabi ni Angeline.

"Sa amin ni Erik, siyempre, mas importante ang career kaysa sa relationship namin.

"Lagi ko ngang sinasabi 'yon kay Erik, na hindi kami magkakakilala kung hindi dahil sa mga career namin.

"Hindi kami magkakaroon ng maayos na pamilya kung 'di because of our career.

"So, yun dapat ang unahin namin more than anything."

Sabi pa ni Angeline, mas mabuti na ang pagiging malapit na magkaibigan nila ni Erik.

"'Di ba, mas nakaka-pressure kapag naging kami?" sabi ni Angeline.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam mo yung sobra naming iniingatan kung anong mayroon kami ngayon, kung magkakaroon kami ng commitment, parang masasayang lang.

"Parang magba-back to zero kami ulit. Ayaw ko ng ganun, ayaw ko talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN