Isko Moreno on Kuya Germs: "I am a nobody. But he gave me an opportunity."

"Kung meron lang akong bagay na maipagmamalaki, kahit saan ako magpunta sa buong bansa maipagmamalaki ko lang ano, 'Ikaw yung anak ni Kuya Germs, ano?' Akala yata ako si Federico [Moreno], e. 'Brother, pasensya ka na. Sabi ko naman, e, hindi ko naman ikinakahiya yun kahit kailan. Because he's like a father to me," said Manila Vice Mayor Isko Moreno in a light moment during his eulogy at the necrological service for Kuya Germs last night, January 13.


Naging madamdamin ang eulogy ni Manila Vice Mayor Francisco Domagoso, o mas kilala bilang Isko Moreno, para sa yumaong Master Showman na si German "Kuya Germs" Moreno.

Kaugnay ito ng necrological service para kay Kuya Germs, na ginanap sa GMA Studio 7 sa Quezon City, Miyerkules ng gabi, January 13.

Binalikan ni Isko kung paano siya nadiskubre at inengganyo ng talent scout na si Wowie Roxas na mag-audition sa That's Entertainment noong 1993.

Pagbabalik-tanaw ng bise alkalde, "After ng live broadcast ng That's [Entertainment], meron nang audition. Nasa entablado ka, kukunan ka ng video, iinterbyuhin ka.

"Tinanong niya ako, 'Marunong ka bang kumanta?' 'Hindi ho.' 'Marunong ka ba umarte?'

"E, kapag hindi ko sinagot kung marunong ako umarte, hindi na ako matatanggap.

"So, sabi ko, 'Marunong po.' There's a skit na gagawa ka ng character. Nagawa ko naman."

Gayunman, hindi pa rin inaasahan ni Vice Mayor Isko na kasama siya sa mga napiling bagong talento out of 300 auditionees ng That's Entertainment noong panahong iyon.

"May dala silang shortlist. 'Ikaw, ikaw... Bata, lalaki...'

"Nung malalagpasan ako, 'Sige na nga, ikaw na nga.'

"If not for that opportunity, wala ako sa harapan ninyo ngayon.

"Malamang basurero pa rin ako...

"I am a nobody. But he gave me an opportunity," naluluhang pahayag ni Isko.

Huling nakasama ni Isko si Kuya Germs nang samahan niya ang beteranong TV host/star maker na magpatingin sa doktor at bumisita sa opisina ng huli sa GMA Network noong December 27.

Nakausap din umano ng bise alkalde si Kuya Germs sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono, isang araw bago pumasok ang bagong taon.

KUYA GERMS'S LITANY OF ADVICE. Ayon pa kay Isko, itinuro sa kanya ni Kuya Germs ang kahalagahan ng pagiging propesyunal sa trabaho.

Ito ay sa kabila ng kaalaman na madalas ay mas matagal ang paghihintay sa set ng isang teleserye o pelikula kaysa sa aktwal na pagkuha ng isang eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad ni Isko sa madalas na bilin sa kanya ni Kuya Germs noon, "Pakatatandaan mo ito, ha? Mas mabuti nang ikaw ang naghihintay kaysa ikaw ang hinihintay.'

"Palagi niyang sasabihin sa akin, 'Huwag ka maging pasakit sa set. Sa bawat oras na pagde-delay ng artista, gumagastos ang producer.

"'At next time di ka na nila kukunin kasi pasakit ka.'"

Natuto rin umano si Isko kay Kuya Germs na maging masinop sa kanyang kinikitang pera, lalo pa't hindi pang habang-buhay ang pag-aartista.

"Sabi niya, 'Kasi alam mo, Isko, kapag nagka-wrinkles ka na, may papalit sa 'yo na bata, mas guwapo sa 'yo, mas magaling sa 'yo.

"'Darating ang oras sila naman ang sisikat. Kaya dapat maghanda ka.'"

TRULY THE MASTER SHOWMAN. Nagbigay-pugay rin si Isko sa talento at kontribusyon ni Kuya Germs sa Philippine entertainment industry.

Kabilang na ang mga pinasikat ng Master Showman na Sunday variety show na GMA Supershow (1984-1997), daily youth-oriented show na That's Entertainment (1986-1996), at Walang Tulugan With Master Showman (1997-present).

"Kuya Germs started everything.

"Lahat ng Sunday show, walang benta 'yan sa istasyon. Tulugan nga 'yan, e. Payapa ang tao kapag Linggo.

"But Kuya Germs created a market for Sundays shows.

"Four in the afternoon, That's Entertainment, wala ring market 'yan, e.

"Nasa loob ng eskuwelahan yung estudyante. Yung iba nagsi-siesta pa.

"The other station created a show to compete with That's because there's a demand.

"Alas-onse [ng gabi], tulog na lahat, nanggugulo pa si Kuya Germs. He created a market [for late-night shows].

"Even the news has an 11 P.M.. timeslot because somebody's watching, because Kuya Germs created an opportunity for everyone."

A CERTIFIED LOYALIST. Ngunit higit sa lahat, bilib si Isko sa sense of loyalty ni Kuya Germs, sa oras man ng lungkot o ligaya.

Kuwento niya, "There's an incident about twenty years ago. He was in GMA Supershow and That's Entertainment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He was offered a [big] sum of money and a good spot somewhere else.

"Tapos nag-aalala siya nun kasi nagkaroon ng rigodon.

"Sabi niya, 'Kinausap na ako, e.' 'In-offer-an ka ba? Bakit hindi mo tinanggap?'

"You know what he said? 'Nakakahiya kay Mr. Menardo Jimenez Sr. [president and CEO of GMA-7 from 1976 to 2000]. Okey na ako dito, masaya na ako.'

"Because if he will go, everybody will go at that time.

"Malikot yung era na yun. Talagang nag-aagawan ng mga artista."

Dagdag pa ni Isko, likas ang pagiging loyal ni Kuya Germs hindi lang sa trabaho kundi pati na rin sa pagtrato nito sa mga kapamilya at malalapit na kaibigan.

Aniya, "Even if others will not believe in you, he will continue to believe in you."

At hanggang sa huli ng kanyang buhay, tunay na pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa umano ang ipinamalas ng Master Showman.

"Talaga pong hindi niya titigilan ang showbiz kahit na physically challenged na siya o anumang kalagayan niya, dahil gusto niya laging tumulong sa iba," pagtatapos ni Isko.

Ngayong Huwebes, January 14, ihahatid sa kanyang huling hantungan si Kuya Germs sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN