Will Walang Tulugan finally fall asleep now that Kuya Germs is gone?

John Nite says his uncle, Kuya Germs, has always put the industry on top of his priorities, "Showbiz pa rin up to his last breath."


"Showbiz pa rin up to his last breath."

Ito ang pahayag ni John Nite tungkol sa mga huling sandali ng kanyang tiyuhin na si German "Kuya Germs" Moreno.

Sa kanyang eulogy para sa tinaguriang Master Showman, ikinuwento ni John kung paano niya unti-unting nakuha ang tiwala ng tiyuhin, na noong una ay hindi lubusang matanggap ang pagpasok niya sa showbiz.

Binaggit din nito ang walang sawang pagtulong ni Kuya Germs sa mga kabataang nangangarap maging bahagi ng industriya ng showbiz.

Si John ang kasa-kasama ni Kuya Germs sa kanyang radio show at sa kanyang late-night weekly show na Walang Tulugan with Master Showman.

Ayon kay John, "Alam ko, alam ko ang frustration niya, na makabalik at makatulong sa mga anak-anakan niya sa Walang Tulugan.

"I'm very happy kasi kahit papaano I worked for it and I'm proud I gained his respect and his trust that I can tackle the job that he requested from Sir [Felipe Gozon], our CEO."

Diin pa ni John, "Marami pa rin siyang gustong gawin.

"Nasabi niya one time, 'Papaano na kaya kung mawala ako? Papaano na ang mga batang ito?'

"And I don't know what to ask him. Sabi ko nga, 'You know, you don't have to prove anything. You can stop now, rest, and just enjoy.'

"Pero hindi, e. Ang huling pag-uusap namin, noong January 6, showbiz pa rin.

"Because he's proud na 20 years na ang Walang Tulugan, 20 years na po na nagpi-feature kami ng mga sintunado, mga pangit, kung sinong gustong magsayaw-sayaw.

"Pero proud siya dun kasi 'yon po ang tatak ng Kuya Germs, hindi structured, hindi perfect, talagang accepted 'yon sa Pilipino crowd, even abroad na nga po.

"Kailangan may magkamali, kung hindi, hindi si Kuya Germs ang nag-show."

Natatawang idinagdag pa ng co-host ni Kuya Germs, "Siyempre, may kanya-kanyang opinyon tayo. Kapag may nagsabing, 'Ang pangit naman niyan,' pang-asar lang pero 'yon ang ipapa-focus niya, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Tapos kung sino pa ang sintunado, 'yon lang din ang pakakantahin niya, pang-asar lang din."

Dahil sa dami ng artistang naging bahagi ng mga programa ni Kuya Germs na naging sikat na ngayon, patunay raw ito na, "He has an eye and an ear. He has a golden touch.

"Alam mo, tayong lahat na mga entertainers dito ay mayroong basbas ni Kuya Germs.

"Nai-inspire tayo kasi proud tayo, di ba? Kapag dumaan ka kay Kuya Germs, ibig sabihin, star ka na."

WHAT WILL HAPPEN TO WALANG TULUGAN? Kaugnay ng pagpanaw ng kanyang tiyuhin, sabi ni John Nite, may ilan na raw na nagtatanong sa kanya kung ano na ang mangyayari sa kanilang programa tuwing gabi ng Sabado.

Pahayag ni John, "Ang sinasabi ko lang, 'It's not my call.'

"I'm just voicing this out kasi it's not my control.

"The network, sirs, it's your [call]."

Ang tinutukoy ni John ay ang major shareholders ng GMA Network na sina Atty. Felipe Gozon, Gilberto Duavit Sr., at Menardo Jimenez.

Sabi pa ni John, "Pero confidentially, 'yon talaga ang worry niya.

"Sa 60 or 70 young people na nakikita naman niya na...Lalo na may nag-Jake Vargas na, may Destiny Rose [Ken Chan] na, may Hiro [Peralta] na.

"You know, he always proved people wrong. Kapag pinagtiyagaan mo kasi at nag-continue then, may mangyayari diyan."

Dahil dito, sabi ni John, "I really just hope, 'yong ang feeling ko ngayon e we always thought of continuing the legacy."

At kung sakali, handa naman si John na humalili sa kanyang tiyuhing si Kuya Germs.

"I'm pressured right now kasi, what would happen?

"His memory will linger. Sana mabigyan tayo ng chance to continue.

"Puwede tayong maiwanan in the middle, pero someone has to continue it.

"We don't ask forever, but just have something for the kids. I guess that's his legacy, to fulfill a lot of [dreams]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa huli, sabi pa John, "I just think positive, I'm a positive person.

"With his death, it's just a symbolic way of leaving us.

"We're really startled by his passing, but his memories would still linger."

JUST IN: NORA AUNOR AS MASTER SHOWMAN? Samantala, sa panayam ni Nora Aunor sa DZBB Super Radyo sa araw na ito, January 14, sinabi niyang willing siyang ipagpatuloy ang legacy ng kaibigang namayapa.

"Nakahanda po ako na ako ang gumawa ng ginagawa niya sa kanyang show. Alam kong mahal niya yung show.

"Hindi ko alam kung puwede na ako ang magpatuloy ng Master Showman ngayong wala na siya."

[gallery id="9191"]


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN