On the Wings of Love apologizes to PNP for James Reid's police uniform in bridal-shower scene

Hindi nakaligtas sa batikos ng ilang miyembro ng kapulisan at netizens ang bridal shower scene ng On the Wings of Love noong nakaraang Lunes, January 11. Sa naturang episode, nagsuot ng uniporme ng pulisya ang bida nitong si James Reid sa karakter ni Clark habang sumasayaw ito sa harap ni Leah, ang papel naman ni Nadine Lustre.

 


Lumikha ng ingay ang episode ng On the Wings of Love (OTWOL) nitong nakaraang Lunes, January 11 kung saan isa sa mga inaabanagan ng mga OTWOL fans ay ang bridal shower ni Leah na ginampanan ni Nadine Lustre.

Malapit na kasing ikasal sa simbahan sina Leah at Clark, na ginampanan naman ni James Reid, kaya naisipan ng mga kaibigan ni Leah na magdaos ng isang surprise bridal shower para sa kanya.

Sa kalagitnaan ng bridal shower, biglang dumating si Clark na nakasuot ng uniporme ng pulis at nag-alay ing sexy dance para sa fiancee.

Hindi nakalampas ang eksenang ito sa ilang miyembro ng Philippine National Police (PNP) lalo na ang PNP-PCRG (Philippine Community Relations Group).

Pagkatapos ng episode, nag-tweet ang mga ito ng, "Sana lang po lahat ng inilalabas sa TV ay nirereview ng maayos tulad ng paggamit ng tama sa Uniporme. may batas po tyo dyan #OTWOLAcceptance."

May ilang netizens na nakisimpatiya sa inihayag na hinaing ng kapulisan ngunit may ilan ding ipinagtanggol and series dahil hindi naman malaswa ang naturang eksena.

May iba pang nagsasabing mas marami pa silang problemang dapat unahin kaysa pag-ukulan ng pansin ang naturang palabas ng ABS-CBN.

Isang miyembro din ng PNP ang naglabas ng kanyang hinaing sa Facebook.

Ayon sa nagngangalang Geoff Lim, "An irresponsible segment of an ABS-CBN Teleserye, ON THE WINGS OF LOVE, showing James Reid (Clark) in a PNP Uniform, strip dancing for his fiancee Nadine Ilustre (Lea) during her shower bridal party.

"As a police officer, it is infuriating to see OUR UNIFORM, a symbol of authority, being degraded this way. Remember that we sacrificed and endured hardship and training just to wear this.

"Can't the writers think of any other scene rather than this?

"We call on everyone to share or repost this as a sign of protest or dismay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We need a more responsible media."

An irresponsible segment of an ABS-CBN Teleserye, ON THE WINGS OF LOVE, showing James Reid (Clark) in a PNP Uniform,...

Posted by Geoff Lim on?��?�? Monday, January 11, 2016

Dahil dito, kaagad na humingi ng dispensa ang pamunuan ng On the Wings of Love tungkol sa pangyayari.

Ipinarating na rin daw nila sa atensiyon ng namamahala sa produksiyon ang naturang reklamo at tiniyak nilang wala sa intensiyon ng palabas na dungisan ang imahe ng kapulisan.

Narito ang kabuuang statement ng OTWOL:

On the Wings of Love would like to apologize for a short scene that aired last Monday (January 11), which unfortunately showed the main character Clark dancing as a policeman for Leah in her bridal shower.

"The program has called the attention of its production team and assures the public that there was no intention to disrespect the sanctity of the Philippine National Police (PNP) uniform.

"We do not want to jeopardize our good relations with the PNP and will make sure that it will not happen again."

PEPsters, what do you think?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN