Kuya Germs finally laid to rest

Master Showman German "Kuya Germs" Moreno was finally laid to rest at the Loyala Memorial Park in Marikina earlier, January 14.


Naihatid na sa kanyang huling hantungan si German "Kuya Germs" Moreno sa Loyala Memorial Park sa Marikina ngayong tanghali, January 14.

Ang libing ay dinaluhan ng mga kamag-anak, kaibigan, at showbiz personalities na malapit sa tinaguriang Master Showman. Ito ay pinangunahan ni Superstar Nora Aunor, mga dating anak-anakan sa That's Entertainment tulad nina Billy Crawford at Manila Vice Mayor Isko Moreno.

Naroon din ang mga Kapuso actor na sina Ken Chan at Jake Vargas, na parehong nagsimula sa kanyang show na Walang Tulugan with Master Showman.

Bago naibaba sa hukay, isa-isang nagbigay ng mensahe ang mga taong malapit kay Kuya Germs.

Ani Jake, "'Tay, salamat sa lahat-lahat ng suporta mo sa akin. Salamat at hindi n'yo po kami pinabayaan."

Samantala, sabi naman ni Ken, "Mami-miss ka namin, Master."

Ang mensahe naman ni Isko para sa kanyang naging tatay sa showbiz, "Walang Isko Moreno kung walang Kuya Germs."

At sa pagpanaw ng dating That's Entertainemt host, sabi ni Billy, "Pa never left. He is the most loyal professional, loving, or I should say angel to all of us."

Ilan pang nagbigay ng huling mensahe para kay Kuya Germs ay ang mga dating co-hosts niya sa GMA Supershow na sina Jackielou Blanco at Cavite Representative Lani Mercado-Revilla.

Gayundin ang mga apo niya sa anak nag-iisang anak na si Federico na sina Jorell, Frace, Gabby, at Raffy.

Nag-alay naman ng kanilang talento sa pag-awit sina Jonalyn Viray, Derrick Monasterio, at Dulce para kay Kuya Germs.

Samantala, sa ginanap na misa sa Studio 7 ng GMA Network kaninang umaga, bago ihatid sa Loyola Memorial Park ang mga labi ni Kuya Germs, kumanta ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez.

EMOTIONAL NORA AUNOR. Kung kagabi ay hindi nakapagbigay ng eulogy si Nora Aunor para kay Kuya Germs, naging madamdamin ang huling mensahe niya para sa malapit na kaibigan sa industriya bago ang libing kanina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Twitter account ng DZBB, ibinahagi ng batikang aktres ang mga naitulong ni Kuya Germs sa showbiz, gayundin ang ilan sa mga kaaya-ayang ugaling naipakita sa kanya ng kaibigan.

Humingi rin ng paumanhin si Nora sa anumang naging pagkukulang niya kay Kuya Germs.

Dito ay inihayag din ng Little Nanay actress na nais niyang ipagpatuloy ang programang naiwan ni Kuya Germs kung mabibigyan ng pagkakataon.

Aniya, sana maipagpatuloy ko ang inyong mga layunin.

Halos ganito rin ang naging mensahe ng pamangkin at co-host ni Kuya Germs na si John Nite sa eulogy niya sa necrological service na inihanda ng GMA Network kagabi, January 13.

Read: Will Walang Tulugan finally fall asleep now that Kuya Germs is gone?

WillWalang Tuluganfinally fall asleep now that Kuya Germs is gone?
Read more at http://www.pep.ph/news/61790/will-emwalang-tulugan-emfinally-fall-asleep-now-that-kuya-germs-is-gone#hMwKx6sV1bZFPbFw.99


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN