Joross Gamboa's alleged video scandal goes viral

Trending topic sa Twitter at Facebook kagabi, January 14, ang pangalan ng aktor na si Joross Gamboa nang kumalat sa Internet ang diumano'y video scandal niya.


Ilang oras na naging trending topic sa Twitter at Facebook si Joross Gamboa kagabi, January 14.

Maraming netizens tuloy ang na-curious kung may nangyari bang masama sa aktor.

Ngunit nang i-click ang thread ng usapan sa Twitter at Facebook, napag-alamang isang video diumano ni Joross ang kumalat.

Noong una, yung private part lang nito ang nakikita, ngunit bandang 3:20 sa video ay isang lalaking kamukha ng Star Circle Quest alumnus ang tumambad.

Nasa eight minutes at seven seconds ang haba ng video at parang may ka-chat online ang lalaking nasa video.

Maririnig sa video na nakikipag-usap ang lalaki in English.

Maririnig ding sinabi ng lalaki na first time niyang ginawa ang ritwal sa loob ng kanyang kotse.

Bandang 2:50 sa video, makikitang binuksan ng lalaki ang kanyang kotse, sabay-sabing, "Sunod ako dun."

Isa pang boses ang maririnig sa audio at sasagot ng, "Punta ka na daw, mag-start na ang Showtime."

Si Joross, 31, ay nagpakasal sa long-time girlfriend nitong si Katz Saga noong November 2014, at meron na silang isang anak.

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kunin ang reaksiyon ng aktor, pero nasa Canada raw ito ngayon at nagbabakasyon kasama ang pamilya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN