Miss Colombia eats pansit; thanks the Philippines in Spanish TV show

Miss Colombia Ariadna Gutierrez recently appeared on El Gordo Y La Flaca, an American-Spanish-language entertainment show, where she was shown eating pansit in a Filipino restaurant.


Nagpasalamat si Miss Colombia Ariadna Gutierrez sa Pilipinas.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ito ng video clip kung saan mariringgan siyang nagsabi ng "Salamat."

Ayon sa Pageanthology 101 Facebook, ang nasabing video ay kinunan sa isang Filipino restaurant sa Miami, Florida, USA, kung saan mainit siyang tinanggap ng mga Pilipinong parokyano.

Thank you so much ?????? #Philippines No se pierdan hoy @elgordoylaflaca a las 4pm por @univision @latinwe

A video posted by Ariadna Gutierrez (@gutierrezary) on

Para ito sa guest appearance ni Miss Colombia sa El Gordo Y La Flaca, isang American-Spanish-language entertainment news show.

Ipinalabas ang nasabing episode two days ago.

Sa simula ng nasabing episode, makikita si Ariadna na namamasyal kasama ang hosts ng nasabing show.

Sumakay siya sa kotse at binati ng isang Filipino driver ng "Magandang umaga."

Sa kanilang pamamasyal, napadako sila sa isang Filipino restaurant kung saan mainit silang sinalubong mga nga parokyano doon.

Kumain pa si Miss Colombia ng pansit.

Pero ang nakakatawang bahagi ay noong nagpunta ni Ariadna sa lottery booth upang i-check kung nanalo ang kanyang bet.

Sinabihan siyang nanalo ng lotto.

Pero pagkalipas ng isang sandali, binawi ang kanyang pagkapanalo at sinabing ang may hawak ng winning numbers ay ang katabi ni Miss Colombia.

Matatandaang naging maingay ang Miss Universe 2015 pageant noong December 20, sa Las Vegas, Nevada, USA, nang ianunsiyo ng host na si Steve Harvey na si Miss Colombia ang winner.

Subalit pagkalipas ng ilang minuto, sinabi nitong, "There's been a mistake."

Si Pia Alonzo Wurtzbach ng Pilipinas ang Miss Universe 2015 at first runner-up lamang si Miss Colombia.

Samantala, may countdown si Steve sa kanyang Instagram account ng upcoming interview niya kina Pia at Miss Colombia matapos ang kontrobersiya.

Nakatakda ang interview sa January 18 at 19, sa Steve Harvey Show.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN