Vic Sotto can't wait to wed Pauleen Luna: "Gusto ko nga ma-fast forward na, e."

Vic Sotto on marrying Pauleen Luna: "Looking forward for the day and the years after that day." 


Hindi raw ma-explain ni Vic Sotto ang excitement na nararamdaman niya sa nalalapit na kasal nila ni Pauleen Luna.

"Of course, I'm very excited, gusto ko nga ma-fast forward na, e.

"Kasi ang daming preparasyon, ang daming inaasikaso.

"Ibig sabihin, pagdating sa araw na yun, swak na agad," pahayag ng Eat Bulaga! host.

Nakakaramdam ba siya ng wedding jitters?

"I'm more excited than being kinakabahan, konti siguro.

"Pero more of excitement, and looking forward for the day and the years after that day," masayang pahayag ni Bossing.

PIA AT THE WEDDING. Isa pa nga raw sa ikina-excite niya ay ang pagdalo ni Miss Universe Pia Wurtzbach sa kanilang kasal.

Kasama raw iyon sa homecoming itinerary ni Pia na inaabangan ng lahat.

Saad pa ni Vic, "Kahit naman ako inaabangan ko rin, basta we will be sharing it with everyone."

Labis rin daw na ikinatutuwa ni Vic na masaya ang kani-kanilang pamilya at malalapit na kaibigan para sa kanilang dalawa ni Pauleen.

"Nakakatuwa kasi these are the times na makikita mo kung gaano ka ka-importante sa mga kaibigan mo.

"All the support and wishes we've been getting, nakakatuwa.

"And again, thank You kay Lord kasi marami Siyang binibigay sa atin na minsan nakakalimutan natin magpasalamat.

"So I always see to it that I thank Him all the time," seryosong pahayag ni Bossing.

Tuwang-tuwa nga rin daw siya sa bachelor's party na inihanda ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan para sa kanya.

"Yung friends and relatives namin, especially our closest families, my children, they're all very supportive.

"That's all that matters to us," saad pa niya.

POST-WEDDING PLANS. Pagkatapos ng kasal ay magha-honeymoon daw sila, pero ayaw niyang sabihin kung saan.

"Dito-dito lang naman, mga one week lang naman yun kasi may trabaho pa, e," matipid niyang sagot.

Ipagpapatuloy pa rin ba ni Pauleen ang pagiging artista pagkatapos ng kasal nila?

Lahad ni Vic, "Nasa kanya na yun kung gusto niyang ipagpatuloy o gusto niya na lang maging plain housewife.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It's really up to her, kung ano man ang magiging desisyon niya, suportahan ko siya."

Sa pagkakaroon naman nila ng baby, "Depende if we will be blessed right away.

"Kung mabibiyaaan, why not, di ba?" nakangiti niyang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN