Aga Muhlach and Charlene Gonzalez watch Lea Salonga perform in New York

Aga Muhlach and Charlene Gonzalez watched Lea Salonga's Broadway musical Allegiance during their visit in New York.


Nagkita-kita ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzalez, at si Lea Salonga sa New York.

Ito ay matapos na panoorin ng couple ang Broadway show ni Lea na Allegiance.

Ibinahagi ng tatlo sa kani-kanilang mga Instagram accounts ang naging pagkikita nila sa New York.

Naunang nag-post si Aga (@agamuhlach317) nang mag-selfie sila ni Charlene kasama ang mukha ni Lea sa poster ng Allegiance.

We.are.here.!!!! ???????????? #allegiance @msleasalonga

A photo posted by Agamuhlach317 (@agamuhlach317) on

Pagkatapos ang show, nagpakuha ng larawan ang tatlo.

Sinamahan naman ito ni Aga ng maikling caption at sinabing, "Gotcha!!!! We made it!! So proud of you @msleasalonga cheers!!"

Gotcha!!!! We made it!! So proud of you!! @msleasalonga cheers!! ???????????? @itsmecharleneg

A photo posted by Agamuhlach317 (@agamuhlach317) on

Nag-post naman ng photo collage si Charlene (@itsmecharleneg) tungkol sa kanilang pagkikita at nagbigay ng maikling rave review tungkol sa performance ni Lea.

Bahagi ng kanyang caption, "We are so proud of you @msleasalonga.

"You are fabulous. So nice to watch you again on the Broadway stage.

"Your voice is so angelic and crystal clear. Wow!! You amaze us every single time..

"Allegiance was beautiful. Congrats to you and the whole cast. All of you are so kind and extremely talented and nakakaproud talaga.

"Thank you for the friendship and love."

Matapos ang ilang oras ay pinasalamatan rin ni Lea (@msleasalonga) sa kanyang Instagram account ang mag-asawa sa panonood nila ng Allegiance.

Matatandaang nagkatambal sina Aga at Lea sa dalawang pelikula: Bakit Labis Kitang Mahal? at Sana Maulit Muli.

Simula noon hanggang nag-asawa si Aga, naging magkaibigan sila ni Lea.

Noong 2013, nakita ring magkakasama ang tatlo nang manood sina Charlene at Aga ng concert ni Lea na Playlist.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN