Why did Julia Clarete leave Eat Bulaga!?

"Pasensiya na kung di ako nakapagpaalam ng mas maaga," says Julia Clarete to her fans referring to her absence in Eat Bulaga!


Bakit wala ka na sa Eat Bulaga!?

Ito ang karamihan ng tanong ng fans kay Julia Clarete sa kanyang Facebook account.

Sinagot ito ng EB Dabarkads na si Julia sa Facebook, kung saan sinabi niya sa isa sa mga posts, "Salamat! Magpakabuti kayo lagi!"

Ayon kay Julia, naka-base na siya ngayon sa Kuala Lumpur, Malaysia.

"Pero hayaan niyo, pag naayos ko na ang lahat, babalik ako para magsama-sama tayo. Sa #tamangpanahon"

Kasunod nito ay humingi ng paumanhin si Julia dahil hindi siya pormal na nakapagpaalam sa kanyang mga tagahanga.

Wag na po sana malungkot... Pasensiya na kung di ako nakapagpaalam ng mas maaga.

Posted by Julia Clarete on Thursday, January 14, 2016

Para sa mga naka-miss kay Julia, ipinost niya ang kanyang "One Night Only" performance sa isang gig na gaganapin sa 12 Monkeys Music Hall and Pub sa Makati City, sa January 26.

Missed me?You can see me,but for one night only.

Posted by Julia Clarete on Thursday, January 14, 2016


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN