Do Alden Richards and Maine Mendoza celebrate monthsary off-cam?

Alden Richards and Maine Mendoza at the fan con held during AlDub's 6th Monthsary in Eat Bulaga!

When asked if they also celebrate monthsary off-cam, both of the said, "Ite-text na lang po namin kayo."


Nag-celebrate sina Alden Richards at Yaya Dub, aka Maine Mendoz,a ng kanilang 6th monthsary sa Kalyeserye segment ng Eat Bulaga! kaninang tanghali, January 16.

Sa kanilang selebrasyon ay nagkaroon sila ng fan con, kung saan may mga napiling fans na masuwerteng nagkaroon ng Q and A kasama ang magka-loveteam.

Una sa mga tinanong sa kanila ay kung ano ang na-e-envision nilang date para sa isa't isa.

Ayon kay Maine, ang gusto lang niya ay picnic o beach date dahil mas gusto niya ng chill na date.

Si Alden naman, "Parehas lang kaming simpleng tao ni Maine. Ako, if ever mabigyan ng chance nai-date si Maine, kung ano maisipan ko sa araw na yun, dun kami pupunta."

Sumunod ay tinanong si Alden na kung mabigyan siya ng pagkakataong ipagluto si Maine sa kanyang birthday sa March 3, ano ang ihahanda niya.

Tugon ni Alden, "Ako, kasi siyempre ang birthday o kapag may special occasions naman, it comes only once a year.

"So ako siguro, ibibigay ko yung pinaka-special na dish na palaging niluluto sa akin ng mom ko dati, paella.

"Kasi maraming sahog, pero ang nagpapa-especial is yung pagbibigay."

Tanong naman ng isang audience member, kung bibigyan niya ng pet si Maine, ano raw ang kanyang ibibigay.

Sagot ni Alden, "Siyempre aso, kasi ako mahilig ako sa dogs at nakikita ko we share the same interests, so kung ano yung special for her and I, yun na lang ibibigay ko."

Nagbiro naman si Maine, "Okay na ako sa lamok."

Pero humirit si Alden at sinabing, "Pero kung tatanggapin niy, e di ako na lang ang pet."

OFF-CAM MONTHSARY. May isa namang audience member na tinanong sina Alden at Maine tungkol sa pagce-celebrate ng AlDub ng kanilang monthsary.

Kahit off-cam rba ay nagce-celebrate rin sila ng kanilang monthsary?

Matagal bago nakasagot ang dalawa kaya nagbiro muna sina Allan K at ang mga Lola.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Allan K, "Kung hindi niyo masagot, subukan nating sumagot yung mga lola!"

Humirit naman si Lola Tinidora (Paolo Ballesteros), "Pag magkakasama kami, si Meng laging may katext."

Matapos magkantiyawan, sabay na sumagot sina Alden at Maine, "Tetext na lang po namin sa inyo. I-tweet na lang."

Samantala, sumagot din ng Twitter questions ang dalawa.

Una sa mga naging tanong ay kung ano ang feeling ng dalawa pag nagkikita sila.

Tugon ni Maine, "Ako pag nakikita ko si Alden, pag alam kong magkikita kami, masaya ako. Yun lang, Na-e-excite ako.

"Wala naman pong dapat i-explain pag nagkikita kami kasi kung ano po yung nakikita niyo sa kalyeserye, yun na po yun."

Napansin din ng isang Twitter follower ang pagpo-post muli ni Alden sa Instagram ng kanyang unang Dubsmash video kung saan ni-lip sync niya ang kanta ni James Reid at Nadine Lustre na "Bahala Na."

Paliwanag niya, "Honestly po, nagdu-dubsmash na rin ako before. So naisip ko, yun yung unang dubsmash na tumatak sa akin.

"So sabi ko, why not i-post ko rin tutal kapag pinapakinggan ko siya, kinikilig din ako so pinost ko na."

Ang naging huling tanong naman ay para kay Maine: saan niya unang dadalhin si Alden kapag pumunta sila ng New York?

Matatandaang sa New York nag-take ng kanyang internship si Maine.

Ayon sa Dubsmash Queen, sa Central Park niya unang dadalhin ang ka-love team.

"Yung isa kasi sa mga favorite kong movies yung Serendipity, dun siya shinoot.

"E, parang gano'n din [kami] serendipity, happy accident," pagtukoy ni Maine sa nangyari sa kanila ni Alden.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN