Steve Harvey asks Miss Colombia Ariadna Gutierrez for forgiveness on TV show

Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach and Miss Colombia Ariadna Gutierrez will guest on The Steve Harvey Show in a two-part special titled "Miss Universe: The Truth on The Steve Harvey Show" on January 18 and 19 (U.S. time).


Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagharap na ang Miss Universe 2015 host na si Steve Harvey at si Miss Colombia Ariadna Gutierrez matapos ang nangyayari pagkakamali sa prestigious pageant.

Matatandaang noong December 20 sa The AXIS, Las Vegas, Nevada, si Miss Colombia ang unang inanunsiyo ni Steve bilang Miss Universe. Pagkatapos ng ilang minuto ay sinabi nitong, "Ther's been a mistake," saka sinabing ang representative ng Pilipinas na si Pia Wurtzbach ang talagang nanalo.

Sa promotional clip ng two-part special ng kanyang programang The Steve Harvey Show kung saan mag-ge-guest sina Ariadna at Pia, ibinahagi ng 58-year-old TV host kung ano ang naramdaman niya matapos ang naging blunder sa pageant.

Saad niya, "I could tell you some hard parts for me, but my deeper concern was for the two women.

"Because as bad as I felt, oh my god.

"Miss Colombia, how could she have possibly felt?

"And my heart bled for her, and I haven't been able to talk to her since."

Finally got the chance to sit down and talk with @gutierrezary. #MissUniverseTheAnswers

A photo posted by Steve Harvey (@iamsteveharveytv) on

Naging emosyonal naman siya nang ibahagi niya ang suportang nakuha mula sa kanyang asawang si Marjorie.

Pagpapatuloy niya, "That night I went to bed at 12:30, I woke up at 2:30 [a.m.] and couldn't even sleep.

"But my girl got up with me. She was the best."

Inamin niyang nakatanggap siya ng death threats, at nag-alala siya para sa kanyang asawa at mga anak.

Ayon naman sa report ng TMZ, naiyak ang host nanghumingi siya ng tawad kay Ariadna sa kanilang face-to-face interview.

Ipapalabas ang two-part special ng kanyang show na pinamagatang "Miss Universe: The Truth on The Steve Harvey Show" sa January 18 at 19, kung saan in-interview rin ni Steve si Pia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN