Vic Sotto and Ai-Ai delas Alas thank supporters and bashers for the successes of My Bebe Love

Vic Sotto assures everyone that he will be announcing the much-awaited details about his wedding to Pauleen Luna later this month: ''Yung oras, kung saan, receptio,n and honeymoon, we will be sharing it with everyone.''


Sa thanksgiving party ng buong cast at production staff ng pelikulang My Bebe Love ay nagpasalamat sina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas sa lahat ng blessings na ibinigay sa kanila at sa box-office success ng kanilang pelikula sa Metro Mnaila Film Festival.

Ginanap ang party sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato Avenue, Quezon City noong Huwebes, January 14.

Pahayag ni Vic, "Important yung mga blessings na natanggap namin.

"Yung pagka-Third Best Picture namin, yung Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award, ang aming artistang si Maine Mendoza, Best Supporting Actress, and, of course yung record-breaking first-day gross.

"It's more than kung ano mang box-office return.

"Para sa akin, yun ang mas mahalaga. Kami, we're very thankful for that."

THANKFUL TO BASHERS. Sabi naman ni Ai-Ai, pati raw ang mga nagba-bash sa kanya at tumitira sa kanya sa social media ay pinapasalamatan rin daw niya.

Ayaw na lang daw niyang pansinin pa.

''Thank you and God bless na lang sa kanila.

''Happy naman kami kasi marami namang blessings, basta ang mahalaga, nakakapagpaligaya tayo ng mga tao.''

Dugtong naman ni Bossing Vic, ''Sabi nga sa sermon kanina, kung ano ang ibinigay sa 'yo ng Diyos, magpasalamat ka na lang.

''Pati yung mga bash kay Ai-Ai, nagpapasalamat din kami.

''Sa ating Panginoon, thank You very much, Siya ang author nito lahat.

''Saka hindi ka naman iba-bash kung hindi ka sikat, e.''

SPOILER. Habang ini-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dalawa, pinaghahalikan ni Ai-Ai si Bossing Vic.

Mahal na mahal daw niya ang leading man niya at hanggang January 30 na lang daw niya puwedeng landiin ito.

Tinutukoy niya ang nalalapit na kasal nina Vic at Pauleen Luna.

Tuloy napag-usapan ang ginawang pag-preempt ng TV Patrol ng ilang detalye gaya ng wedding date.

Ayon kay Vic, hindi naman daw nila ito itinatago, pero gusto raw sana nilang ang Eat Bulaga! ang unang mag-announce nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Doon daw kasi mapapanood ang kabuuan at ilan pang highlights ng kanilang kasal.

''We will be sharing it with everyone, hindi ko lang binibigay ang lahat na detalye kung saan.

''Yung kailan, alam na nila, may magagaling na nag-announce para sa amin, e.

''Meron kaming sariling spokestation.

''Anyway, yung oras, kung saan, reception, and honeymoon, we will be sharing it with everyone.'' napapangiting pahayag ni Vic.

Sa cast party, bago ang dinner, nagkaroon muna ng misa na dinaluhan rin nina Vic at Ai-Ai.

Hinintay din sina Alden Richards at Maine Mendoza, pero hindi sila nakarating.

Nandoon si Valeen Montenegro, pero umalis agad ito pagkatapos ng misa.

Dumalo rin sina Direk Joey Reyes at Tony Reyes at ang mga producers na sina Orly Ilacad at Tony Tuviera.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN