Wowowin airs final episode; host Willie Revillame hints at new daily game show

Willie Revillame to the supporters of Wowowin: "Sa lahat po ng nagmamahal sa programang Wowowin, salamat po at hindi niyo kami iniwan sa siyam na buwan na nakapiling namin kayo."


Matapos ang siyam na buwan, tuluyan nang nagpaalam sa ere ang Sunday variety/game show ni Willie Revillame na Wowowin.

Sa huling episode ng nasabing programa ngayong araw, muling binalikan ng TV host na si Willie Revillame ang ilan sa masasayang eksena nila.

Sabi ni Willie, "'Pag nanood ka po ng programang ito, kahit papaano, yun bang nakakatulong para mapangiti kayo, mapasaya namin kayo. Yun po ang importante, e.

"Kami ay maging gamot niyo sa inyong kalungkutan, maging gamot niyo kung kayo po'y nada-down sa buhay. Kasi kung napapanood niyo po ang programang ito, dito niyo po nakikita ang tunay na buhay.

"Walang script, walang direktor na nagsasabing, 'Action! Cut!' Walang ganun dito. Dito po, kung makikita niyo, lalabas ako sa stage, maglalapitan, hahalikan ka, yayakapin ka. Kayo po ang inspirasyon namin, lalung lalo na ako.

"'Pag maraming nanonood, mas lalo po kaming ginaganahan. At 'pag marami hong nanonood, mas nag-iisip pa po kami kung anong mabibigay namin na saya para sa inyong lahat.

"Sa lahat po ng nagmamahal sa programang Wowowin, salamat po at hindi niyo kami iniwan sa siyam na buwan na nakapiling namin kayo."

Kasunod nito, isa-isang pinasalamatan ni Willie ang mga sponsors ng kanyang programa, kabilang ang dating senador na si Manny Villar at ang asawa nitong si Senator Cynthia Villar.

Pinasalamatan din ni Willie ang mga executives ng Kapuso network kabilang sina Redgie Magno, VP for Drama; Marivin Arayata, VP for Entertainment TV; Lilibeth Rasonable, SVP for Entertainment TV; Joey Abacan, 1st VP for Program Management; at marami pang iba.

Pinasalamatan din ni Willie ang mga big bosses ng GMA kabilang sina Gilberto R. Duavit Jr., Atty. Felipe S. Yalong, at Atty. Felipe Gozon para sa pagbubukas ng mga ito ng pinto sa show niya sa Kapuso network.

Sabi ni Willie, "Mr. Gilberto R. Duavit Jr., sir, thank you so much sa suporta mo. He's our President and, of course, COO of GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"EVP and CFO Mr. Felipe S. Yalong, Tito Philip, maraming salamat po sa inyo, sa inyong pamilya. Ikaw ang tulay upang makabalik ako sa telebisyon through GMA. Salamat po sa inyo at hindi ko po ito makakalimutan sa buhay ko. Kung hindi po ako nakabalik sa TV, wala pong Wowowin ulit. Thank you so much, Mr. Philip Yalong, thank you so much.

"And of course, our boss, Chairman and CEO of GMA-7, Atty. Felipe Gozon. Sir, salamat din po sa tiwala niyo sa akin, sa programa, at sa aming lahat. Maraming maraming salamat din po, Atty. Gozon.

"Aand of course, my partner, Atty. Boy Reyno. Ikaw ang naging tulay, daan, at paraan para po ako'y makabalik. Atty. [Alfonso] Boy Reyno, Atty. King [Reyno], Ms. Vicky Morales, thank you so much.

"And of course thank you rin kay Atty. Ferdie Domingo..."

Sa pagtatapos ni Willie, muli itong nagpasalamat sa lahat ng tumangkilik sa kanyang programa at humiling na muli niyang makasama ang mga ito sa araw-araw.

Aniya, "At sa lahat po ng taong nagtitiwala. Most especially, kayo pong lahat. Kayo po ang mga taong nagsuporta at sumuporta at nagmahal sa programang ito.

"At sa gabi-gabi ho bago ako matulog, ang tanging dasal ko lamang, sana'y araw-araw na tayong magkasama...

"Araw-araw ko na kayong makapiling, at araw-araw ko na kayong mapasaya at mabigyan ng pag-asa yung mga akala nilang wala nang pag-asa ang buhay.

"Maraming salamat po sa inyong lahat. Hanggang sa muling pagkikita, salamat."

Sa pagtatapos ng programa, ang salitang "Abangan..." ang nasaksihan ng kanilang manonood.

Ayon sa isang source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), magkakaroon muli si Willie ng daily variety/game show na mapapanood mula 5:00 pm hanggang 6:30 pm. Ngunit hindi pa raw sigurado kung kailan ito magsisimula.

Wowowin Huling Sunday

Sa muli nating pagkikita....Salamat sa lahat.... Salamat sa inyo...... mga Kapuso.

Posted by Wowowin on Saturday, January 16, 2016


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN