Gabby Concepcion teases possibility of falling for Carla Abellana: ''Nasa tamang panahon lang.''

Gabby Concepcion says it's hard not to fall for Carla Abellana: "Wala namang katangian si Carla na aayawan mo.


Masaya si Gabby Concepcion sa malugod na pagtanggap ng televiewers sa karakter niya sa primetime series na Because of You ng GMA-7.

Nagugulat din daw siya na madalas nang itawag sa kanya ngayon ay ''Boss Yummy'' sa halip na pangalan niya.

''Nagugulat nga ako, e,'' natawang sabi niya nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng pinagbibidahang serye nila nina Carla Abellana at Rafael Rosell noong January 11 sa Madison 101 Hotel.

Ayon pa kay Gabby, ''Siyempre nasa script, e.

''E, maganda naman ang feeling. Kapag may nakakakita nga sa akin, nag-show kami sa Cebu, yung audience ko, kapag yung talkies na, 'Kumusta kayong lahat?'

''Ang sagot nila, 'Mabuti, Boss Yummy!'

''THIRD LIFE.'' Parang hindi talaga nawawala kay Gabby ang pagiging ''heartthrob.'' Kung paano siya noong '80s, hanggang ngayon, ganun pa rin ang turing sa kanya ng mga tao.

Ano nga ba ang pakiramdam?

Patuloy niya, ''Masarap, parang third life ko na 'to.

''Kasi yung second life ko noong dumating ako, 2008.

''Tapos, every project, katulad nito, meron siyang mga unique factors at ang pagiging unique nito, yung teleserye na 'to, yun nga, merong ganun.

''Natutuwa nga ako na nakasama ko pa sina Carla [Abellana]. Although matanda sila sa akin, it's okey, you know,'' natawang biro niya.

''Masaya, kaya nga third life na 'to.

''Every project nga becomes another life. Parang iba, ibang istorya.

''Tulad nito, iba na naman ang approach. Pero noong nagsisimula tayo, hindi natin alam kung paano tatanggapin.

''At least ngayon, #goodvibes lang.

''Di ba nga, ang kuwento ko sa inyo, umpisa pa lang, good vibes ako rito? But then again, it's a collaboration of talents, good ideas, group effort.''

CHEMISTRY. Sabi nga namin kay Gabby, ang nakakagulat ay may ''chemistry'' o may kilig sa pagitan nila ni Carla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta nga ba silang dalawa?

Saad niya, ''Siguro kung walang boyfriend si Carla at wala akong asawa at mga anak, siyempre, hindi naman ano, di ba?

''Wala namang katangian si Carla na aayawan mo.

''Kilala ko pa naman ang Daddy niya, so good vibes pa ko.''

Mabuti at hindi siya wina-warningan ng ama ni Carla na si PJ Abellana?

''Hindi nga, e, pinu-push pa niya ko.''

At saka natatawa nitong isinunod na, ''Sa project! Ikaw talaga.''

Hiniritan naman namin si Gabby nang dahil sa sinabi niya, posible palang kabahan si Tom Rodriguez.

''Hindi nga, kung walang on the side, yun ang sinasabi ko,'' nakangiting sabi niya.

WOULD HE FALL FOR CARLA? Pero dahil puro biro ang sinasabi ni Gabby, tinanong na namin siya ng seryoso kung sakali nga at walang boyfriend si Carla at wala siyang pamilya, posible nga kaya na mauwi sila sa relasyon.

Ito ay sa kabila ng ama ni Carla ay ka-henerasyon niya noon.

''Korek, e, nasa tamang panahon lang,'' natawang sabi pa niya.

Parang AlDub lang?

''Oo, exactly, e viewer ako ng AlDub. Taga-subaybay rin nila ko. #AlDub,'' sabi pa rin niya.

Yung totoo, nakikita niya yun?

''Naman!'' nakangiti pa rin niyang sabi.

Hindi naman kokontra si PJ?

''Barkada ko nga si PJ.

''Maganda naman ang samahan namin at hindi naman kami nangtsi-chicks. Alam niya ugali ko, one at a time lang ako,'' natatawang sabi pa niya.

KILIG FACTOR. Sa isang banda, ano nga kaya sa tingin niya ang meron sa kanila ni Carla na may kilig sila?

''Hindi ko alam, e. Hindi ko alam ang formula.

''Hindi ko alam ang ingredients. Hanggang ngayon, hindi ko alam,'' saad niya.

''Pero siguro, kung nasa production din ako, nasa creative, bago pa man mag-shoot ang teleserye, titingnan ko muna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

''Titingnan ko muna ang script at pagkatapos, mamimili ako ng casting then, process of elimination yun.

''Siguro rin, kaya rin kami naging okey, kasi wala naman kaming bad history sa industriya.

''Hindi naman kami nagkaroon ng ugali na hindi namin nagustuhan sa isa't isa.

''Kasi, nagkatrabaho na rin kami noon.''

KAPUSO ALL THE WAY? Kinumusta rin namin si Gabby kung posible kayang sa susunod niyang serye, sa Kapuso network pa rin siya.

Ayon kay Gabby, ''Okey naman ang GMA sa akin, wala akong problema.

''Matagal ko na ngang hinihintay yun because noong dumating ako, sa kanila talaga ko nag-start.

''I think, it's just the project talaga. Kung kahit anong project lang, sige.

''Pero siyempre, you owe it to your fans. Gusto mo na gusto rin nila ang pinapanood nila. They feel good about it.

''Nagulat nga ako na yung generation ngayon, iba na.

''Hindi ko na generation, so I'm picking up a new audience.

''Like noong nag-show nga ako sa Cebu, nagulat ako, iba nang audience ang lumalapit sa akin.

''Nakikisayaw sila sa akin, nakikikanta.

''Kaya nga sabi ko, bakit kayo nandito, kasama niyo Mommy niyo? Sabi nila, hindi po, nandito kami para kay Boss Yummy.

''Ang sarap ng pakiramdam, sobra,'' masayang kuwento niya.

DREAM CO-STARS. At dahil nga sinabi naman niyang posibleng sa Kapuso network pa rin ang susunod niyang serye kaya tinanong na namin siya kung sino sa mga Kapuso actresses ang gusto pa niyang makasama.

''Marami,'' lahad niya.

''Siyempre, si Marian [Rivera] nandiyan. Dapat may gagawin kami ni Marian noon, kaya lang nagpakasal na siya.''

Dugtong pa niya, ''Jennylyn [Mercado] also.''


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN