Lian Paz and John Cabahug welcome baby Niña Angela

Former EB Babes dancer and actress Lian Paz and partner John Cabahug welcomed the birth of their first daughter Niña Angela Cabahug last January 10. Lian has two daughters with former husband Paolo Contis, while John also has a daughter from a previous relationship.


Kasabay ng pagdiriwang ng Sinulog Festival ngayon sa Cebu ay ang pag-post naman ni John Cabahug ng larawan ng kanilang baby ng dating EB Babes dancer/actress na si Lian Paz.

Ngayong Linggo, ipinost ni John ang larawan ng kanilang baby sa kanyang Facebook at Instagram account na @anjan87.

May caption itong ''Pit Senyor.''

Nakausap ng PEPp.ph (Philippine Entertainment Portal) si John via Facebook private messaging, at hindi naman nito itinanggi at masaya rin niyang ibinalita na ang baby na nasa post niya ay ang anak nga nila ni Lian.

Ikalawang anak na babae na ito ni John at ikatlong anak naman ni Lian na babae. Ang dalawang unang anak ni Lian ay mga anak niya sa dating asawa niyang si Paolo Contis.

Matagal na ring hiwalay sina Lian at Paolo at hindi naman itinago ni Lian na pagkatapos nilang maghiwalay ni Paolo, naging karelasyon niya si John.

Sa Cebu na sila naninirahan kasama ang dalawang anak nila ni Paolo.

BIRTH DETAILS. Kay John namin nakuha ang ilang impormasyon tungkol sa baby na pinangalanan nilang Niña Angela Cabahug.

Nanganak si Lian via caesarean operation noong January 10, 2016, 8:36 am, kaya one week old na ngayon ang kanilang baby girl. May timbang itong 6.15 lbs.noong ipinanganak.

Ang O.B. Gyne raw na nagpaanak kay Lian ay ang tiyahin ni John na si Dra. Angela Cabrera Dael sa North General Hospital Cebu.

LIAN'S THIRD CS OPERATION. Kinumusta rin namin kay John ang kalagayan ni Lian.

Ayon kay John, ''Okay naman po si Lian, nagpapahinga po kasi CS [caesarean section] siya.

''Third CS po, kasi hindi na po siya puwede mag normal birth sabi ng doctor.

''She already had two previous CS. I am proud that she was really brave and strong for baby Niña.''

SPORTS ADVOCACY. Sa isang banda, tatlong taon na rin ang relasyon nina Lian at John.

Si John ay dating varsity player ng University of Visayas, at ngayon ay nagma-manage ng kanilang sariling negosyo, ang V Good Malunggay Juice.

Sabi rin ni John, ''My advocacy is to help young athletes, support them, especially in basketball. I have an 18 under team and five of them will be playing for Manila this coming school year.

''Overwhelming ang feeling for me to help less fortunate people especially those with dreams like the athletes.''

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN