Xian Lim admits being hurt by negative issues, criticisms about his acting

Xian Lim on negative write-ups about him: "Siyempre nasasaktan, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Kasi nababasa mo diretso na 'tong sinasabi sa iyo. Gagawin mo yung best mo, ibubuhos ko lahat, pero lahat ng tao may sinasabi. Dinidibdib ko lahat. Pero I appreciate lahat ng sinasabi tungkol sa akin."


Gumargal ang boses at napaluha si Xian Lim bago magtapos ang presscon ng Everything About Her nang hingan ng actor- columnist na si Ogie Diaz ng testimonya ang mga kasama sa pelikula kung nagkaroon ba ng pagbabago sa pag-arte ng Kapamilya actor.

Sa kalagitnaan ng presscon na naganap nitong Linggo ng gabi, January 17, ay nabanggit kasi ang tungkol sa negative write-ups, feedback, at comments ng ilan kay Xian.

Si Vilma Santos ang unang nagpahayag ng malasakit sa unfavorable write-ups sa Star Magic talent.

Ipinagtanggol ng Star For All Seasons ang aktor at sinabing nakitaan niya ito ng husay at dedikasyon sa trabaho.

Tiniyak din niyang may paglalagyan sa entertainment industry ang talent ni Xian.

Pinuri rin ni Vilma ang dedikasyon at ang pagnanais na matuto ni Xian.

Binanggit naman ni Direk Joyce Bernal ang husay ni Xian sa mga eksenang hindi nito kinailangang umarte, pero ramdam ang ibinibigay nito.

Yun daw ang pinakamahirap na nagawang maitawid ni Xian nang mahusay.

Pumabor din ni Direk Joyce sa sinabi ni Vilma tungkol kay Xian.

Ganito rin ang sinabi ni Angel Locsin.

Pinagtatakhan daw ng aktres kung bakit maraming bashers ang aktor sa social media at sinasabing hindi ito karapat-dapat sa project.

Pero sa buong shooting ng pelikula, ang nakita raw ni Angel ay isang masarap katrabaho, masaya, at mahusay na Xian Lim.

Read: Xian Lim cries after being defended by Vilma Santos and Angel Locsin

XIAN GETS EMOTIONAL. Nang kunan ng reaksiyon si Xian tungkol sa naging pahayag ng kanyang mga kasamahan sa pelikula, nagsimula na rin siyang pangiliran ng luha.

Gumaralgal na rin ang boses niya dahil sa kinukontrol na emosyon.

Pahayag ng 26-year-old actor, "Magpapasalamat lang uli ako sa Star Cinema for giving me the chance to give it everything I've got.

"Nagpapasalamat din ako kay Direk Joyce for giving me trust.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, hindi po lahat naniniwala sa akin. Totoo, aaminin ko naman po.

"Marami po kayong... kayo rin Kuya Ogie, hindi. Magpapasalamat din po ako sa inyo.

"Kasi nung kasagaran ng isyu, nung marami pong nangyayari, naalala ko, nagti-text ka, tumatawag ka, and it shows that you care.

"At sa lahat po ng mga press, nagpapasalamat po ako, dahil sa inyo po ako humugot ng lakas, and it's part of learning.

"Katulad po ng sabi ni Tita [Vilma], it's part of learning.

"And when you stop learning, I think that's the time you die.

"Everything is a learning process."

Patuloy ni Xian, "So, nagpapasalamat lang po ako sa Star Cinema, kay Direk [Joyce] for believing in every scene that I do.

"At sa inyo pong lahat. Bigyan man niyo po ako ng good or bad write-up, I will be thankful for everything."

NEGATIVE WRITE-UPS. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Xian pagkatapos ng presscon proper, ipinaliwanag niya ang rason ng kanyang pagluha habang nagsasalita.

Saad niya, "Ang dami-daming nangyayari.

"Sabi ko nga, I'm just very thankful. Isang karangalan na nandito ako ngayon."

Hindi rin daw maintindihan o matukoy ni Xian kung bakit may mga negative feedback sa kakayahan niya sa pag-arte.

"Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit.

"Pero I wanna take it as a learning process na nga lang.

"Paulit-ulit na sinasabi ni Tita [Vilma], 'Just learn from everything you get from the write-ups, sa lahat ng mga sinasabi ng mga tao sa iyo. Dapat matuto ka na lang doon.'"

Alam daw ni Xian ang mga bad press tungkol sa kanya.

"Katulad ni Tita, nagbabasa rin ako ng mga write-ups, ng mga sinasabi tungkol sa akin."

Nagduda ba siya sa kanyang sarili kung deserve niyang mapabilang sa cast ng Everything About Her dahil sa mga sinasabi tungkol sa kakayahan niya sa pag-arte?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Xian, "Kasi nung nabasa ko po yun, nasa gitna na po yung pelikula.

"Pero nung sumabak naman po ako sa project na ito, in-expect ko na rin po na sasabihin ng tao, kasi Vilma Santos, tapos po Angel Locsin.

"Gusto ko lang pong ipakita dito na hindi ko sinayang yung pagkakataon na ibinigay nila sa akin."

SOURCE OF HUGOT. Natutunan daw ni Xian na gawin na lang inspirasyon ang panghahamak sa kanyang talento.

"Source ng hugot. Sila ang nagbibigay ng laman.

"Marami, e, bilang pagkatao ko?

"Kasi hindi lang naman tungkol sa craft ko ang sinasabi. Mismong personal ko, tinitira po nila, e.

"Kaya it's a learning process. Talagang just be a better person, just try and try."

Aminadong nasaktan si Xian sa mga nasasabi tungkol sa trabaho niya.

"Siyempre nasasaktan, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa.

"Kasi nababasa mo diretso na 'tong sinasabi sa iyo.

"Gagawin mo yung best mo, ibubuhos ko lahat, pero lahat ng tao may sinasabi.

"Dinidibdib ko lahat. Pero I appreciate lahat ng sinasabi tungkol sa akin."

Malaking bagay raw sa kanya ang ipagtanggol ng isang Vilma Santos, Angel Locsin, at Direk Joyce Bernal.

"Ang sarap ng pakiramdam na sabihin sa iyo harap-harapan, lalo na isang Vilma Santos na magsabi sa iyong mga ganung kakagandang salita, lalo na si Angel at si Direk.

"Nagpasalamat nga po ako sa Star Cinema dahil binigyan nila ako ng ganitong pagkakataon.

"Gusto ko lang iparamdam sa kanila kung gaano ako ka-grateful sa kanila."

Paglilinaw pa ni Xian, "Hindi po ako nagpapaliwanag, hindi po ako nagpapaliwanag sa mga basher.

"Wala po akong kinalaman sa basher.

"Kaya nga sinasabi ko, good of bad write-ups, nagpapasalamat po ako dahil hindi lahat nabibigyan ng ganitong pagkakataon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN