Vice Ganda refuses to be affected by MMFF controversies

Vice Ganda on breaking another record at the 2015 Metro Manila Film Festival: "Ang saya na ako rin yung nakaka-break ng record, nagse-set ng bagong record, na kung tutuusin, nakakatakot."


Ayaw nang magkomento at magpaapekto ni Vice Ganda sa mga nangyaring kontrobersiya sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Kabilang na rito ang pagkuwestiyon sa pagiging topgrosser ng film entry niyang Beauty And The Bestie, na pinagbibidahan nila ni Coco Martin.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa naglalabas ng official ranking at figures ng kinita ng bawat entry ang MMDA.

Pahayag ni Vice, "Wala naman na akong gustong sabihin doon.

"Parang sa pagkakataong ito, kung mayroon mang nagkamali, ngingiti na lang po ako. Ayoko na ng negative.

"Sa ngayon po, masayang-masaya lang po ako."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Vice sa thanksgiving presscon na ibinigay niya, katulong ang Dreamscape Entertainment Television at Star Cinema, para sa mga taga-media na patuloy na sumusuporta sa kanyang career.

Ginanap ang presscon sa Wang Fu Chinese Bistro sa Tomas Morato, Quezon City, noong Linggo, Enero 17.

AI-AI DELAS ALAS. May mensahe ba si Vice para kay Ai-Ai delas Alas? May mga patutsada kasi si Ai-Ai sa pandaraya umano ng Star Cinema sa nakaraang MMFF.

Iwas ng Kapamilya star, "Ay, huwag na lang, kasi baka mabigyan na naman ng ibang kulay, di ba?

"Kasi kahit anong sabihin mo ngayon, kahit anong... nakakatakot na.

"Kung mayroon man, ako na lang ang magti-text sa kanya kasi nagti-text naman kami, e."

Hindi ba naapektuhan ang friendship nila ni Ai-Ai?

Sagot ni Vice, "I will not allow. Mas maganda yung walang kaaway.

"Kasi kahit anong gawin mo, makakasalubong at makakasalubong mo iyang mga iyan.

"Kaysa naman mangawit ka ng kayuyuko pag nakita mo yung mga tao, mas maganda yung diretso lang ang lakad mo at alam mong wala kayong atraso sa isa't isa."

BREAKING HIS OWN RECORD. Puno lang ng kasiyahan at pasasalamat si Vice sa lahat ng mga sumuporta sa Beauty And The Bestie, lalo na nga't inanunsiyo ng Star Cinema na ito na ang "highest-grossing Filipino film of all time" dahil kumita na raw ito ng mahigit sa P500 million at kumikita pa dahil palabas pa ito sa maraming sinehan nationwide.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang feeling na na-break ang sarili niyang box-office record?

Ayon kay Vice, "Ang saya, di ba?

"Sobrang saya lang kasi... ang saya na ako rin yung nakaka-break ng record, nagse-set ng bagong record, na kung tutuusin, nakakatakot.

"Pero kapag gumagawa ka kasi ng bagong pelikula, hindi mo na maiisip iyan.

"Ang maiisip mo na lang, e, yung masiguro mo na ma-appreciate ng tao at ng mga makakapanood yung produktong ginagawa ninyo."

Patuloy niya, "Kasi nung ginagawa namin iyan [Beauty And The Bestie] ni Coco, ng JaDine [James Reid at Nadine Lustre], at saka ni Direk Wenn [Deramas], hindi na namin naisip yung record, e.

"Ang naisip namin, kailangan maganda itong pelikula.

"Kasi kung puro record lang, puro sales lang ang iisipin mo, hindi ka makakapag-concentrate dun sa produksiyon.

"At the end of the day, it's still all about content."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN