Vice Ganda willing to share Phenomenal Box-Office Star title with Coco Martin

Vice Ganda on his realizations in 2015: "Ang daming blessings, ang dami kong matatamis na natikman noong 2015. Pero ang dami ding mapait. Pero yung mga mapait na yun... hindi nga ako nawalan ng pag-asa kasi sabi ko, pinapatikim lang ako ng mapait ni Lord ngayon para mas ma-appreciate ko yung tamis ng pagpasok ng Bagong Taon, na totoo namang nangyari."


Dahil sa bagong record na naitala sa box-office ng MMFF 2015 entry niyang Beauty and the Bestie, sinasabing siguradong mabibigyan na naman ng Phenomenal Box-Office Star award ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc (GMMSFI) si Vice Ganda.

Pahayag niya tungkol dito, "Siyempre Guillermo lang ang makakapagsabi nun.

"Pero siguro... kung ibigay, e, di tanggap lang nang tanggap."

Si Coco Martin naman daw ay posibleng maging Box-Office King?

Pagsang-ayon ni Vice, "Oo naman.

"Pero puwede naman kaming mag-share sa Phenomenal Box-Office Star, di ba? Why not?

"Kung si Coco naman ang ka-share ko, walang problema."

Masasabi ba niyang humbling experience yung ilang taon na siyang pinaparangalan ng Phenomenal Box-Office Star?

"Yeah, humbling experience, actually lahat ng mga nangyayari sa akin.

"Lahat ng nangyayaring ito, may dahilan. Pag napitik ka, may dahilan.

"Pag binigyan ka naman ng panibagong biyaya, may dahilan lahat.

"Kailangan lang talaga pag-aralan mo yung sinasabing mensahe."

REALIZATIONS IN 2015. Ano ang naging realizations niya noong 2015?

Saad ni Vice, "Ang dami kong dagok nung 2015, ang daming blessings din, hindi ko makakalimutan iyon.

"Ang daming blessings, ang dami kong matatamis na natikman noong 2015. Pero ang dami ding mapait.

"Pero yung mga mapait na yun... hindi nga ako nawalan ng pag-asa kasi sabi ko, pinapatikim lang ako ng mapait ni Lord ngayon para mas ma-appreciate ko yung tamis ng pagpasok ng Bagong Taon, na totoo namang nangyari.

"At nung 2015 din, nalaman ko kung sino yung mga kaibigan ko talagang maaasahan mo, kung sino yung mga kaibigan na talagang magtatanggol sa iyo sa mga pagkakataong hindi ka nagsasalita, kung sino yung magpupunas ng pawis mo pag lapot na lapot ka na sa laban mo, kung sino yung mga taong hindi mo alam ang pangalan ay magdedepensa sa iyo."

Marami ang nakakapansin, kasama na ang ABS-CBN management, na tila naging humble siya ngayon. Ano ang masasabi niya rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ni Vice, "E, kasi, pag marami kang blessings na natatanggap, lalo na nga yung pinagdaanan ko nitong nakaraan, di ba, parang laging may nire-remind sa iyo ang Diyos.

"Noong nagkita nga kami ni Sir Deo [Endrinal, Dreamscape head] sa taas noong isang araw, sabi niya, 'O, iyan, kinalabit ka na ni Lord. Nakuha mo na siguro yung gusto Niyang mensahe sa iyo.'

"May mensahe iyon at hindi basta kalabit lang.

"At dapat maunawaan ko iyon dahil iyon ang magga-guide sa akin ngayong 2016."

COCO MARTIN. Sa tagumpay na tinatamasa ng kanilang pelikula nagpapasalamat at kino-congratulate si Vice ng kanyang kaibigan at co-lead star na si Coco.

Inihayag din ng Ang Probinsyano star na natakot siya noong una na ngayong siya ang kasama ni Vice ay baka hindi matumbasan o malampasan ang kita ng huli nitong pelikula.

Kaya labis ang kasiyahan ni Coco na napagtagumpayan nila nang magkasama ang MMFF.

Ano naman ang masasabi ni Vice kay Coco?

Pahayag niya, "Pareho naman kaming nagpapasalamat sa isa't isa.

"Kasi ako, hindi masyadong matatas ang memorya ko, pero iyong mga mahahalagang nangyari sa buhay ko, lagi kong naaalala.

"Like, yung nag-away kami ni Dengdeng [tawag niya kay Coco], sabi ko, 'Ang arte-arte mo, ayaw mong mag-guest sa programa ko, sa GGV.'

"Tapos nung tinanong ako ng Star Cinema, ??Kami ni Dengdeng, gawa kami ng pelikula.?? Tapos ayaw niya.

"Sabi ko, 'Bakit ba ayaw mong sumama sa akin?'

"Ang sabi niya, 'Hindi mo pa kasi ako kailangan. Magta-tandem tayo pag kailangang-kailangan mo na ako.'

"So, nung sinabi sa akin na magsasama kami, hindi ko naisip iyon.

"Tapos ngayon ko na-realize, 'Oo nga, 'no. Kasi eto yung panahon na kailangang-kailangan ko talaga si Coco.'

"Na siya din na namamayagpag siya sa telebisyon, baka may mapulot din siya sa pelikula ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos may naalala akong post sa Instagram na picture namin na magkayakap, na sabi ko, 'We'll make it big together.'

"Tapos nakita ko iyon, oo nga, 'no. Ang dami kong signs na nakita kaya yung pagtatagpo namin, ang laki ng ipinagpapasalamat ko."

Bukas si Coco na magkaroon ng sequel o Part 2 ang Beauty And The Bestie. Siya ba okay din sa ideyang ito?

Sagot ni Vice, "Oo naman, gusto ko naman.

"Kanina nga nakita ko yung picture niya sa Ang Probinsyano na naka-Paloma siya.

"Sabi ko, parang magandang idea yung pagsamahin si Paloma at si Praybeyt Benjamin."

NEXT MOVIE PROJECTS. Habang hindi pa sigurado ang sequel ng Beauty And The Bestie, ibinalita ni Vice na may dalawang pelikula na siyang siguradong gagawin ngayong 2016 na co-produced ng Star Cinema at Viva Films.

"Yung isa, iyong sa amin ni Daniel [Padilla]. Magkapatid kami doon.

"Iyong isa, hindi ko pa alam kung sino ang kasama ko."

Makakasama ba nila ni Daniel sa movie si Kathryn Bernardo?

"Hindi ko alam, e. Basta ang sinabi sa akin, yung Daniel pa lang," sabi ni Vice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN